MAGANDANG araw po sa lahat ng bumubuo ng inyong pahayagan. Isa pong seaman ang aking tito sa mahabang panahon. May anim na buwan na po ang nakalilipas mula nang maaksidente siya at sa ngayon siya po ay isa ng PWD. Madalas naiinip ang tatay ko na nasa bahay lamang. Ask ko po sana kung may maibibigay na pagkakakitaan ang gobyerno sa tatay ko na ngayon ay hindi na makapagtrabaho dulot na rin ng nangyaring aksidente. Malaking tulong po ito para kahit papaano ay hindi siya naiinip sa bahay at makapagtrabaho din para kahit papaano ay may pagkakakitaan. Sana ay matulungan ninyo ako sa aking katanungan.
Lourdes Andres
Tomas Claudio
Pandacan, Manila
***
May ahensiya ng gobyerno na tumutulong gaya ng employees’ compensation commission (ECC). Ito ay isang ahensya ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagpapatupad ng employees’ compensation program (ECP) para sa kapakanan ng manggagawa, kabilang ang mga marino. Pinopondohan ito ng kontribusyon mula sa mga employer.
Kagabay program
katulong at gabay sa manggagawang may kapansanan” o KaGabay Program para sa mga persons with work-related disability (PWRDs). Ito’y nagbibigay ng vocational skills, entrepreneurial training at iba pang tulong para sa PWRD upang siya ay makakuha ng trabaho o magkaroon ng negosyo.
Mga benepisyo at serbisyo sa ilalim ng kaGabay Program:
-Physical restoration ng marinong mag WRD kasama rin ang pagkakaloob ng physical o occupational therapy services pati na ang kinakailangang medical appliances/ prosthesis
-Skills training sa mga partner training centers para magkapagtrabaho muli ang marino
-Entrepreneurial training sa mga partner training institutions para makatulong sa marino na nakapagsimula ng mapagkakakitaan
Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.