Isabel Granada 6 na beses inatake sa puso bago ma-comatose | Bandera

Isabel Granada 6 na beses inatake sa puso bago ma-comatose

Jobert Sucaldito |October 27,2017
facebook
share this

Isabel Granada 6 na beses inatake sa puso bago ma-comatose

Jobert Sucaldito - October 27, 2017 - 12:10 AM

ISABEL GRANADA AT ARNEL COWLEY

THAT’S Entertainment days pa lang ay love na namin itong very beautiful na si Isabel Granada na pasabog kung sumayaw sa sobrang galing.

Sila ng kanyang Mommy Guapa ay sobrang loved by the members of entertainment media dahil napakahusay nilang makisama. Very charming ang mag-inang ito at walang masamang tinapay sa kanila – reason why in this time of trial ay milyon-milyon ang nagdarasal sa paggaling ni Isa after ma-comatose sa Qatar.

“She’s still unconscious and we are praying na magising na siya. I talk to her ear and I know that she hears me. We are just waiting for the doctors’ advice kung kailangan niya ng surgery. Thanks to everyone na nagdasal for my wife’s recovery,” ani Arnel Cowley na siyang kasama ni Isabel sa Hammad General Hospital sa Qatar, nang kapanayamin nina Karen Davila and Julius Babao sa Bandila the other night.

I don’t understand lang why some people can be soooo cruel. Tulad nito, na-comatose na nga si Isa pero buhay pa yung tao may mga netizens nang pumatay sa kanya sa social media. Huwag naman sanang ganoon, you just don’t know how painful it is for the members of her family and to the millions of Isa’s supporters ang makabasa ng maling balita.

Huwag ninyong pangunahan ang Poong Maykapal. Kung wala kayong magawa sa buhay – if you cannot even offer a prayer for her, shut your fu**ing mouth up. Nakakapikon kayo. Sarap tirisin ng mga hinayupak na ito.

Iba talaga pag mabait ang isang tao, imagine, maraming nagdarasal para kay Isabel Granada sa mga oras na ito. Kasi nga, wala kang narinig na masamang kontrobersiya about her – she’s just a happy kid, she’s just a sweet girl even noong bata pa siya. Kaya overflowing ang prayers para sa kaniya.
At marami talaga ang nagulat dahil wala namang sintomas na mangyayari ito kay Isabel – kasi nga, she’s a health buff, maliksi and all. Then, mababalitaan na lang natin that she had at least six heart attacks pala. How sad! Really sad.

Magpakagaling ka, Isa. Marami ang nagmamahal sa iyo. And you are very lucky to have a sweet husband na nasa tabi mo (kasama ng anak ninyo) ngayon sa gitna ng napakalaking pagsubok na ito. May you recover fast. Wake up, baby girl. We too love you. Mwah!

 

***

 

Naaalala ko pa nu’ng panahon ng That’s Entertainment na pinamunuan ng late friend nating si Kuya Germs, kaniya-kaniya kami ng mga alaga amongst some writers.
I don’t know kung nandoon na si Rommel Placente noon – siya kasi ang closest kay Isabel Granada sa pagkakaalam ko pero that time, Rommel must be very young pa and hindi pa nagwu-work.

Our late friend Richard Pinlac was very much identified with Tina Paner while I was handling Dranreb Belleza naman that time. Kaniya-kaniya kami ng mga manok pero never silang nag-aaway-away off-cam. Friendly competition lang ang nangyari sa kanila before, pabonggahan sa mga assigned days nila.
And Isa would always shine dahil napakahusay sumayaw. Mabenta sa mga out of town shows ang batang ito dahil maliban sa napakaganda ng mukha (Espanyola kasi like her beauitful mom, Mommy Guapa) total performer pa siya. She carries a tune very well and she moves like Ms. Electric onstage.

She has done many films din noon pero eventually concentrated sa kanyang pag-aaral where she finished a flying course. Sa pagkakaalam ko, Isa has flown planes before and hindi ko na alam kung bakit di na siya nagpatuloy sa pagiging piloto. Parang naging faithful wife na lang siya sa first husband niyang si Jericho Genasky (pero nagkahiwalay din sila after a few years).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magandang ehemplo itong si Ms. Isabel Granada to many of us, a realization na kapag mabait kang tao, pag dumarating sa ganitong pagsubok, sympathies pour and prayers overflow. Kaya sana’y lumaban ka anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending