OFWs dapat paghandaan mga bagay na hindi inaasahan
NAGPAPLANO pa lamang mag-abroad si Mang Domeng noon, punong-puno na ito ng mga pangarap. Magkakaroon siya ng sariling bahay, negosyo at mapagtatapos ng kolehiyo ang kaniyang mga anak.
Nagkasundo sila ni misis na parehong magsasakripisyo. Magiging tatay at nanay ito habang nasa abroad siya. At siya naman ay magiging responsable nagagampan sa kanyang mga responsibilidad bilang asawa at ama ng kaniyang pamilya.
Palibhasa’y walang-wala sila noon kung kaya’t naibenta nila ang mga kasangkapan sa bahay upang magamit pang-placement fee. Sinang-ayunan naman iyon ni misis. Katuwiran niya, kapag nakapagpadala na si mister ng kanyang kita ay makakabili na siyang muli ng mga kagamitan sa bahay.
Medyo natagalan pa ang pag-aaplay ni Mang Domeng. Madaming mga papeles na kailangang ihanda. Gumagastos siya araw-araw sa kalalakad ng mga dokumento at pag-aaplay. At sa mga panahong iyon, puro gastos at wala siyang kinikita.
Kaya naman nang ma-aprubahan ang kaniyang aplikasyon. laking tuwa ni Mang Domeng at ng kaniyang asawa. Maliliit pa ang kanilang tatlong mga anak noon.
Unti-unti, sa ilang mga buwan na padala ni mister, nakakaipon ng paisa-isang gamit si misis. Ngunit pinagkakasya pa rin nito ang malaking gastusin buwan-buwan sa kanilang tahanan. Siyempre, lumalaki ang mga bata, dumadami ang pangangailangan, natural lumalaki rin ang gastusin.
Hangga’t inabot ng limang taon ang pag-aabroad ni Manga Domeng; at nauwi sa 10 at 15 taon; at ngayon ay nasa ika-18 taon na ng kaniyang pag-aabroad.
Nakapagpatayo rin siya ng maliit na bahay, nakumpleto rin ng kasangkapan at napaaral sa kolehiyo ang mga anak.
Nagplano siyang uuwi na kapag natapos ang kaniyang 20 taon sa abroad. Ngunit hindi na niya umabot dun. Inatake siya sa puso at hindi na nakabalik pang muli.
Ang mga anak naman niya, gayong may dalawang nakatapos, ay hindi naman sapat ang kinikita. Kung minsan kulang pa para tustusan ang sariling mga pangangailangan.
Kaya para masustentuhan ang pagpapagamot kay Mang Domeng, unti-unting nagbenta na naman silang mag-asawa ng kanilang mga kasangkapan.
Nagpapatuloy magpahanggang sa ngayon ang kanilang gamutan, ngunit wala nang perang magagamit si mister para sa hindi inaasahang
pagkakasakit.
Aminado silang mag-asawa na hindi nila pinaghandaan iyon.
Ang dati-rating bahay na puno’ na ng kasangkapan, nalimas na naman tulad ng nagsisimula pa lamang siyang mag-abroad noon.
Ang bahay na naipundar, nakasanla na rin. Naisip tuloy ni Mang Domeng at asawa nito na para palang hindi rin siya nag-abroad!
Naisip din ni Mang Domeng na mas maigi sana ay kung hindi na lang siya umalis, baka mas mahusay ang kanilang buhay.
Ang aral: Dapat talagang paghandaan ang mga hindi inaasahan.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM (M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/ [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.