Sumisikat na aktor tinarayan ang empleyado ng resto kahit naibalik ang naiwang telepono sa cr | Bandera

Sumisikat na aktor tinarayan ang empleyado ng resto kahit naibalik ang naiwang telepono sa cr

Reggee Bonoan - October 18, 2017 - 12:15 AM

NAWALA ang paghanga ng ilang staff sa isang restaurant kay sumisikat na aktor dahil pinakitaan sila nito ng kagaspangan ng ugali.

Kuwento mismo sa amin ng empleyado ng restaurant na hindi na namin babanggitin ang pangalan ay naiwan daw ng sumisikat na aktor ang kanyang mamahaling cellphone sa men’s room.

“May customer po na nag-abot ng cellphone sa amin at ipinasa namin sa manager (restaurant) para in case na balikan ng may-ari nakatago lang.

“Sakto nga po bumalik ‘yung may-ari ng cellphone at si _____ (pangalan ng aktor) pala ‘yun at hinahanap nga niya, naiwan daw niya sa CR.

“Siyempre po bago ibigay ‘yung cellphone may standard procedure naman po di ba, na tatanungin kung anong unit, saan naiwan, anong kulay.

“Pero nagalit agad siya, sabi niya, ‘Akin nga ‘yun, eh. Bakit kailangan pang tanungin, ako nga ang nakaiwan!’

“Sabi ng manager namin standard procedure ‘yun at sinagot naman niya kung anong unit kaya ibinigay na rin namin. Alam n’yo po, hindi man lang nagpasalamat pagkakuha niya, nakasimangot pa at sabay alis po,” kuwento ng staff.

Napaisip kami bigla at naalala rin namin ang kuwento rin ng empleyado ng network na pinaglilingkuran ng sumisikat na aktor na suplado at hindi man lang marunong bumati sa kanila kapag gini-guest siya sa programa.

Maging sa teleseryeng nilabasan niya ay hindi rin siya gaanong feel dahil pawang mga boss lang ang kinakausap niya at hindi nakikihalubilo sa mga taga-production.

Hmmm, may ganito pala talagang ugali ang aktor kaya pala mabagal ang usad ng kanyang career.
“Bakit may ipagmamalaki ba siyang talent sa acting?” mabilis na hirit naman ng katotong nakarinig ng kuwento.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending