Ipinakita na naman ni Bato ang kabobohan | Bandera

Ipinakita na naman ni Bato ang kabobohan

Ramon Tulfo - October 17, 2017 - 12:15 AM

IPINAKITA ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald “Bato” dela Rosa na siya’y bobo nang sabihin niya na hindi kaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kampanya laban sa droga dahil kakaunti lang ang mga tauhan nito.
Reaksiyon ito ni Bato sa utos ng Pangulong Digong na alisin sa PNP ang assignment na patigilin ang pagkalat ng droga sa bansa.
Hindi ba alam ni Bato na sa ilalim ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang PDEA ang siyang nangunguna sa kampanya laban sa droga?
Ibig sabihin nito ay deputized lang ng PDEA ang PNP sa droga at hindi ang PNP ang lead agency.
Sa ilalim ng RA 9165, puwedeng utusan o
i-deputize ng PDEA ang anumang ahensiya ng gobyerno na tulungan ito sa kampanya laban sa droga.
Ang PNP, National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensiya ang magsisilbing force multiplier o pamparami ng tauhan ng PDEA.
Walang magawa si Bato kundi sumunod sa kautusan ng RA 9165.
O, ano yung sinasabi ni Bato na mahihirapan ang PDEA sa kampanya sa droga dahil kakaunti lang ang mga tauhan nito samantalang ang PNP ay mas marami?
***
Nagbigay alam si AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Ano na handang tumulong ang militar sa PDEA sa pagsugpo ng droga.
Wala namang magawa ang AFP kundi sumunod sa PDEA
kapag inutos nito na bigyan sila ng mga sundalo upang makapagdagdag-puwersa laban sa droga.
Nasa batas na puwedeng utusan ng PDEA ang anumang ahensiya ng gobyerno na tulungan ito sa pagsugpo ng droga.
Ang alok ni General Ano ay uncalled for o dapat di na sabihin dahil ito’y irrelevant ‘ika nga.
***
Paralisado ang Metro Manila at ibang panig ng bansa dahil sa strike ng mga jeepney drivers simula kahapon at magtatagal hanggang ngayong araw.
Ayaw kasi ng Piston, ang samahan ng mga jeepney drivers, na
i-phaseout ang mga lumang jeepneys at palitan ng bagong e-jeepney.
Masyado na kasing nagdudulot ng pollution ang mga lumang jeepney at maging ang ibang lumang sasakyan.
Huwag sanang sumuko ang gobiyerno ni Pangulong Digong sa panggigipit ng mga jeepney drivers na masyadong spoiled.
Ang akala kasi ng mga jeepney drivers ay susuko ang gobiyerno sa kanilang mga kahilingan gaya ng ginawa ng mga nakaraang administrasyon.
Dahil sa dami nila ay tinatakot nila ang mga nakaraaang administrasyon na maaaring hindi nila susuportahan ang mga kandidato ng administrasyon sa halalan.
Ang mga jeepney drivers yata ang pinaka walang modo at walang disiplina na mga drivers sa balat ng lupa.
Hindi sila sumusunod sa batas trapiko: tumitigil sila sa gitna ng kalye upang magsakay o magbaba ng pasahero, hindi sila nagbibihis ng maayos, hindi sila naliligo kaya’t karamihan sa kanila ang maanghit.
At kapag sila’y hinuhuli ng traffic enforcer ay sasabihin nila ay naghahanap-buhay lamang sila at mahirap sila.
Ginagamit nila ang kanilang kahirapan sa paglabag sa batas.
***
Dapat sigurong ipakita ng gobyerno kung sino ang boss o masusunod sa pagpapasya sa kabutihan ng karamihan.
Hindi dapat sumuko sa kapritso ng mga jeepney drivers.
Puwedeng parusahan ang mga operators ng jeepney drivers na sumama sa strike na tanggalan ng prangkisa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
At puwede ring
alisan ng lisensiya ng Land Transportation Office (LTO) ang mga jeepney drivers na ayaw sumunod na bumalik sa kalye.
At ‘yung mga pasaway na nananakit ng kapwa driver na ayaw sumama sa strike ay dapat arestuhin ng pulisya at ikulong.
Dapat ipakita sa mga tsuper ng jeepney na may batas na sinusunod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending