Miss Millennial PH Julia Gonowan umamin: Beauty pageant po ang bumuhay sa akin at sa pamilya ko! | Bandera

Miss Millennial PH Julia Gonowan umamin: Beauty pageant po ang bumuhay sa akin at sa pamilya ko!

- October 17, 2017 - 12:20 AM


HINDI naging madali para kay Miss Millennial Philippines 2017 Julia Gonowan mula sa Camarines Sur ang naging journey niya sa nasabing beauty pageant ng Eat Bulaga.

Bukod sa pagbabalanse ng kanyang oras at panahon para sa pag-aaral at sa nasabing contest, siya rin ang tumatayong breadwinner ng kanyang pamilya.

Si Gonowan, ang 21 taong gulang fourth year Psychology student mula sa CamSur, ang nagwagi sa kauna-unahang Miss Millennial PH ng Eat Bulaga bilang bahagi pa ring ng anniversary celebration ng number one noontime show sa bansa na isinagawa kamakailan sa Mall of Asia Arena.

“Nagpapasalamat po ako na ako ang unang nanalo ng titulo ng Miss Millennial. Hindi ako makapaniwala na ako ang nag-uwi ng korona. Love and hard work ang naging puhunan ko rito. Hindi ko rin makukuha ang titulo kung hindi dahil sa suporta at pagmamahal ng aking mga kababayan. Para sa kanila ang koronang ito,” saad pa ni Gonowon.

Sa dalawang buwan ng kumpetisyon, pinangunahan ng mga millennials ang pagbuo ng tourism campaign para sa kanilang mga probinsya.

Dagdag pa ng dalaga naging challenge ang pagkakaroon ng weekly tasks lalo na at siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Maynila at uuwi pa tuwing weekend sa CamSur para makakuha ng kanyang materials.

“Ang dami kong pinagdaanan sa kumpetisyon. Since July kailangan kong gawin ang mga challenges. Hindi din naging madali ang mag-adjust sa format ng kumpetisyon kasi hindi ito ‘yung typical na pageant. Hindi kasama dito ang magsuot ng heels, dress. Hindi man naging madali, worth it naman ang sakripisyo,” aniya pa.

Ibinahagi din ni Gonowon na sa pamamagitan ng mga pageants tulad ng Miss Millennial ay nabigyan niya ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Hindi lamang niya napag-aral ang sarili, kundi natulungan din ang kanyang mga magulang sa pang araw-araw na gastusin.

“Pageant talaga ang bumuhay sa akin. Nag-stop ako nu’ng college kasi hindi kaya ng parents ko. Sabi ko sa sarili ko na ayoko na hanggang doon na lang ako. Nu’ng una ayaw ko kasi hindi ako sanay. Pero naisip ko na sumali na lang kesa wala akong diploma. Sa buhay naman pag hindi ka nag risk e, paano mo malalaman.”

Nagpapasalamat din si Gonowon sa Eat Bulaga dahil nabigyan siya at ang kanyang kapwa millennials ng pagkakataon na maipakita ang kanilang galing sa mundo.

“Napakalaking bagay na nabigyan kami ng chance na ipakita na ang millennials ay hindi ang generation na puro social media lang. Ginagamit din namin itong tool in a good way. I think the most special thing is that we were able to extend a helping hand in promoting our provinces,” pahayag pa ng dalaga.

Sa ngayon, gusto munang makapagtapos ng kolehiyo ni Julia at eventually ay sumali sa national beauty pageants. Ayon dito ay pangarap niya na maging representative ng Pilipinas sa international pageants.

Bukas din siya sa posibilidad na pagpasok sa showbiz. Saad nito na hilig niya ang hosting at ang pag-arte.
Maliban sa korona ay nag-uwi din si Gonowon ng Mitsubishi Montero Sport, isang condominium unit mula Bria Homes at P500,000.

Samantala, pinangalanan din ng Eat Bulaga sina Miss La Union Carina Carino bilang first runner-up, Miss Aklan Eleonara Velentina Laorenza as second runner-up at si Miss Malabon Shiara Joy Dizon bilang third runner-up.

Si Miss Ilocos Norte Dianne Irish Joy Lacayanga naman ay nahirang na Miss Bayanihan Queen matapos makapag-present ng pinakamaganda at effective na tourism campaign sa programa. Siya ay nag-uwi ng P100,000 at isang milyong piso para sa kanyang probinsya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending