Barangay Ginebra Gin Kings nakuha ang 2-0 Finals lead | Bandera

Barangay Ginebra Gin Kings nakuha ang 2-0 Finals lead

Melvin Sarangay - , October 15, 2017 - 10:01 PM


Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Barangay Ginebra vs Meralco
(Game 3, best-of-seven championship series)

NAHABLOT ng Barangay Ginebra Gin Kings ang 2-0 bentahe matapos talunin ang Meralco Bolts, 86-76, sa Game Two ng kanilang 2017 PBA Governors’ Cup best-of-seven championship series Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinamunuan ni Justin Brownlee ang Barangay Ginebra sa itinalang 19 puntos at 13 rebounds.
Nagdagdag naman si Japeth Aguilar ng 16 puntos para sa Gin Kings.

Gumawa si Allen Durham ng 25 puntos at 22 rebounds para pangunahan ang Bolts.

Samantala, pinarangalan si Barangay Ginebra center Greg Slaughter bilang Best Player of the Conference habang si Durham ang tinanghal na Best Import.

Tumanggap si Slaughter ng kabuuang 975 boto para mapanalunan ang parangal matapos makalikom ng 393 statistical points, 412 media votes, 20 player votes at 150 boto mula sa PBA Commissioner’s Office.

Tinalo ni Slaughter sa parangal sina Chris Newsome (707) June Mar Fajardo (617), Jayson Castro (440) at Arwind Santos (371).

Nahirang naman si Durham bilang Bobby Parks Best Import ng season-ending conference ng liga sa ikalawang pagkakataon.

Nakaipon si Durham ng kabuuang 1,219 boto mula sa natipong 592 statistical points, 421 media votes, 57 player votes at 150 boto mula sa PBA para maging unanimous choice bilang top import ngayong kumperensiya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending