Cristine ayaw nang magbuyangyang ng hubad na katawan | Bandera

Cristine ayaw nang magbuyangyang ng hubad na katawan

Jun Nardo |October 11,2017
facebook
share this

Cristine ayaw nang magbuyangyang ng hubad na katawan

Jun Nardo - October 11, 2017 - 12:25 AM


Kumawala na nang tuluyan si Cristine Reyes sa paggawa ng sex-drama films na nagpatingkad noon sa kanyang pangalan. Palibhasa’y pamilyado nang tao kaya hangga’t maiiwasan ay umaayaw na siyang magpakita ng kanyang alindog.

In fairness naman, may asim pa rin si Cristine sa mga movie producer. Tanging siya lang ang may malaking pangalan sa horror movie na “Spirit of the Glass 2: The Haunted” mula sa Octo Arts Films in association with T-Rex Entertainment.

Ayon sa director ng movie na si Joey Reyes na siya ring gumawa ng unang “Spirit of the Glass” na tumabo sa takilya sa 2004 Metro Manila Film Festival, ibang-iba raw sa unang installment ang bagong obra niya, subalit nandoon pa rin ang misteryo ng tinatawag na Ouija board at ang pasaway na characters na naging instrument upang mabuksan ang pinto sa ibang mundo.

Makakasama ni Cristne sa powerhouse cast sina Daniel Matsunaga, Enrico Cuenca, Benjamin Alves, Janine Gutierrez, Ash Ortega, Dominique Roque at si Binibining Pilipinas-Universe 2016 Maxine Medina.

Ito ang unang pagsabak ng beauty queen sa pag-arte kaya siguradong marami ang naku-curious kung may ibubuga rin ba siya bilang aktres.

Kayo na ang humusga kung may future rin si Maxine sa akting.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending