MRT3 2 beses nagkaaberya ngayong umaga, daan-daang pasahero stranded
DAAN-DAANG pasahero ng Metro Rail Transit 3 ang stranded ngayong umaga matapos pansamantalang tumigil ang operasyon ng MRT 3 dahil sa track problem at technical issue.
Sa isang service status report, iniulat ng MRT-3 na pansamantalang tumigil ang operasyon ng northbound trains ganap na alas-5:52 ng umaga sa pagitan ng Ortigas station at Santolan-Annapolis station dahil sa isang track problem.
Bumalik ang normal na operasyon ganap na alas-6:34 ng umaga.
Ganap na alas-8:35 ng umaga, nasiraan ang isang tren pa-southbound, dahilan para pababain ang mga pasahero sa Cubao station.
Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT 3 matapos ang nangyaring mga aberya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.