Regine sumailalim uli sa voice lessons para sa ‘R3.0’ concert; todo laklak ng gamot
UMARANGKADA na ang preparasyon ni Regine Velasquez-Alcasid sa grandiyosong selebrasyon ng kanyang 30 years sa showbiz.
Todo ensayo na siya sa dalawang gabing concert niya sa SM Mall of Asia Arena, ang “R3.0” sa Oct. 21 at 21 kung saan nakakasa na rin ang sabay na pag-release ng three-volume album niyang “R3.0.”
Kumukuha siya ngayon ng voice lessons nang sa gayon ay lalo pang mahasa ang boses niya dahil ngayon lang uli siya magku-concert na siya ang bida. ‘Yung mga nakaraang concerts ng Songbird ay kadalasan back to back o di kaya ay may iba pa siyang kasama.
Komo nga first and foremost ay ang maging singer ang ambisyon ni Regs, nagbahagi siya ng ilang payo sa mga singer ngayon upang makamit ang kanilang pangarap.
“Always be grateful. Kasi kami po mga singer, mga talent, hindi po kami ‘yung suddenly nagiging singer bigla. We become who we are because of the people around us. People that helped us on our way to becoming a professional singer. Kasama na kayo diyan, kasama na ang press diyan.
“Lalo na nu’ng time namin. Wala pang mga social media at nakadepende kung ano ang isusulat ninyo tungkol sa amin. Kung ano ang review sa bawat concert na ginagawa namin. So hindi lang kami ang reason. Of course, we were given that wonderful talent by God.
“Pero I don’t think we will be able to reach our goals or dreams namin kungdi dahil sa lahat ng mga taong tumulong sa amin. So sa akin, sa lahat ng mga singer, tell them to be always be grateful.
“Siguro if you have a grateful heart, a grateful mind, hindi mapupunta sa ulo mo ‘yung fame. Kasi ‘yung kasikatan, it has a way of, nakakalula siya! Di ba, ‘yung sinasabi nila na lumalaki na ang ulo mo? I think because people, ‘Ang galing mo! Ang galing mo!’ Walang ibang nagsasabi na hindi maganda.
“So parang nakakalula talaga siya eh! Tapos, pag tumuntong ka sa stage, pinapalakpakan ka, konting buka ng bibig mo, pinapalakpakan ka.
“Pag nag-umpisa ka ng bata, it’s medyo overwhelming! So siguro it’s good to have a grateful heart and of course, a good family to support you and keep you grounded. Kasi ako, ‘yun ang na-experience ko sa family ko.
“Pagdating kasi sa bahay namin, hindi naman ako magaling! Ha! Ha! Ha! Si Ate lang ako but I’m thankful for that!” paliwanag ni Regine.
Upang hindi na maulit ang nangyari sa kanya nu’ng “Silver” concert niya na nawalan ng boses, todo-inom ng lahat ng gamot si Songbird para mapangalagaan ang katawan. Iwas na rin siya sa mga pasirku-sirko at buwis-buhay na stunts sa stage, huh!
Ilan sa special guests ni Reg sa “R3.0” concert niya ay sina Ogie Alcasid, Sarah Geronimo, Erik Santos, Jona, at marami pang iba.
Samantala, sa bagong album ni Regine, nakapaloob sa isang volume ang version niya ng kantang “Tadhana” na pinasikat ng grupong Up Dharma Down at ang original song na “Hugot.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.