Kawal pinatay ng kapwa sa loob ng kampo | Bandera

Kawal pinatay ng kapwa sa loob ng kampo

John Roson - October 09, 2017 - 08:17 PM
Nasawi ang isang miyembro ng isa sa mga elite unit ng Army matapos pagbabarilin ng kapwa sundalo sa loob ng kanilang kampo sa Isabela City, Basilan, nitong Linggo, ayon sa pulisya. Agad ikinasawi ni Pfc. Jerry Arasain, residente ng Jolo, Sulu, na nakatalaga sa Army 15th Special Forces Company, ang mga tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Nakilala ang suspek bilang si Pfc. Arkim Julain, residente ng Panamao, Sulu, na miyembro ng parehong Army unit. Pinagbabaril ni Julain si Arasain pasado alas-5 ng umaga, habang natutulog ang huli sa isang duyan sa kanilang kampo sa Brgy. Masola, ayon sa ulat. Galit ang pinag-ugatan ng pamamaril, ayon sa pulisya. Inaresto si Julain ng kanyang company commander matapos ang insidente.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending