Pabahay sa Cavite ni-raid; 26 dakip, shabu, armas nasamsam | Bandera

Pabahay sa Cavite ni-raid; 26 dakip, shabu, armas nasamsam

John Roson - October 09, 2017 - 07:57 PM
Dalawampu’t anim katao ang nadakip habang mahigit 40 sachet ng hinihinalang shabu at sari-saring armas ang nasamsam nang i-raid ng mga pulis ang isang pabahay sa Gen. Trias City, Cavite, Lunes. Sa 26 nadakip, 23 ang dinampot para sa kasong may kinalaman sa iligal na droga habang tatlo ang inaresto para sa illegal possession of firearms and ammunition, sabi ni Supt. Janet Arinabo, tagapagsalita ng Cavite provincial police. Isinagawa ng iba-ibang unit ng pulisya, sa pangunguna ni Cavite provincial police director Senior Supt. William Segun, ang operasyon sa Pabahay 2000, Tropical Village, Brgy. San Francisco. Gumamit ang pulisya ng 25 search warrant para maisagawa ang operasyon, ani Arinabo. Nasamsam sa mga suspek ang 44 sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre-.45 pistola, tatlong kalibre-.38 revolver, isang improvised shotgun, isang fragmentation grenade, rifle grenade, anim na kalibre-.38 bala, at tatlong bala ng shotgun. Hinahandaan na ng kaukulang kaso ang mga nadakip.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending