Sunshine martir na misis, Ariel ‘killer sugarol’ sa MMK | Bandera

Sunshine martir na misis, Ariel ‘killer sugarol’ sa MMK

- October 05, 2017 - 12:10 AM

SPEAKING of Marlo Mortel, mapapanood muli ang binata sa upcoming episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado kung saan makakasama niya sina Ariel Rivera at Sunshine Cruz.

Dahil sa pagtutulungan, maayos na namuhay ang pamilya nina Marlene (Sunshine) at Memerto (Ariel) kasama ang tatlong anak. Nagsimulang masira ang lahat noong malulong sa sugal si Memerto. Unti-unting naubos ang kanilang ipon hanggang sa isang araw ay napatay pa niya ang kalaban sa sugal dahil sa pagkapikon. Sumuko siya agad sa mga pulis at hinarap ang kaso laban sa kanya.

Kahit nasa kulungan na, pinilit pa rin ni Memerto na buhayin ang kanyang pamilya sa mga binuong negosyo sa loob ng piitan. Hindi naman siya binitiwan ni Marlene at tinulungan pa siyang huwag malayo ang kalooban sa anak.

Paano kinaya ni Marlene na tiisin ang buhay na malayo sa asawa? Makalaya pa kaya si Memerto?
Bukod kina Marlo, Sunshine at Ariel, makakasama rin sa MMK episode na ito sina Jane de Leon, Paul Salas, Bing Davao, Gigi Locsin, Yñigo Delen at Yesha Camile.

Ito ay sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Joan Habana. Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending