Sweldo hinahabol | Bandera

Sweldo hinahabol

Liza Soriano - October 04, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw sa Aksyon Line. Three months na po akong nagtrabaho sa isang publication company. Hindi po ako sumuweldo ng isang buwan sa company na dati kung pagtrabahuhan. Pwede ko po bang habulin pa ang sweldo ko? Ano po ang dapat kung gawin?

Camille de Guzman
Navotas

REPLY: Magandang gabi po.

Wala pong kaduda dudang makukuha po ninyo ang inyong sweldo.

Subalit hindi po ninyo nabanggit kung ano po ang naging dahilan ng inyong pag-alis sa kumpanyang inyong pinangalingan.

Meron po tayong prescription na after three years lahat po ng klaseng backpay ay hindi na po pwedeng makuha.

Sa sitwasyon n’yo na three months pa lang ay malaking posibilidad na ang makukuha po ninyo ang inyong money claims kung kayo po ay nakasunod sa tamang patuntunan gaya ng mga sumusunod:

1. Kayo po ba ay nakapag-serve ng one month simula nang kayo ay inalis or kong kayo ay tinanggal?

2. Kung kayo po ay nakapag-turn over properly ng inyong accountability and liabilities kong meron man?

3. Mahalaga po ang mga kondisyon na nabanggit sapagkat kung kayo ay nakapag-comply na ng inyong clearance at patuloy pa rin ang hindi pagbibigay ng inyong employer ng inyong money claims, maaari na kayong magsadya sa aming tangapan na may jurisdiction sa inyong pinangalingan pinapasukan.

Salamat po.
DOLE center

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending