3 sa 4 Pinoy naniniwala na poor lang ang napapatay sa drug war-SWS | Bandera

3 sa 4 Pinoy naniniwala na poor lang ang napapatay sa drug war-SWS

Leifbilly Begas - October 03, 2017 - 06:35 PM

    Tatlo sa bawat apat na Filipino ang naniniwala na mahihirap lamang ang napapatay sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).     Sa tanong na: “Hindi pinapatay ang mga mayayaman na drug pusher, ang mga pinapatay ang mahihirap lamang”, nagsabi ang 33 porsyento na lubos silang sumasang-ayon at 27 porsyento ang medyo sumasang-ayon.       Nagpahayag naan ang 11 porsyento na lubos silang hindi sumasang-ayon at 12 porsyento ang medyo hindi sumasang-ayon.       Ang undecided o hindi tiyak kung sumasang-ayon o hindi ay 17 porsyento.     Pinakamarami ang naniniwala na mahihirap lamang ang pinapatay sa drug war ng gobyerno sa National Capital Region (48 lubos na sumasang-ayon, 27 medyo sumasang-ayon), na sinundan sa iba pang bahagi ng Luzon (29 lubos na sumasang-ayon, 30 medyo), Mindanao (34 lubos na sumasang-ayon, 25 na medyo) at Visayas (31 lubos, 22 medyo).     Nakararaming Filipino rin ang naniniwala na dapat isapubliko ni Duterte ang kanyang listahan ng drug personalities.     Lubos na sumasang-ayon dito ang 46 porsyento at 28 porsyento ang medyo sumasang-ayon. Ang undecided ay 14 porsyento.     Ang Lubos na hindi sumasang-ayon dito ay 5 porsyento at ang medyo sumasang-ayon ay pitong porsyento.     Sa tanong kung nagsasabi ng totoo ang mga pulis kung nanlaban ang kanilang mga pinaslang, 12 porsyento ang nagsabi na talagang hindi nagsasabi ng totoo at 16 porsyento ang malamang hindi nagsasabi ng totoo.     Siyam na porsyento naman ang naniniwala na talagang nagsasabi ng totoo, at 16 porsyento ang malamang nagsasabi ng totoo. Ang undecided ay 48 porsyento.       Isinagawa ang survey noong Hunyo 23-26 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending