Aiko ayaw makasama si Ara sa pelikula kahit nagkabati na | Bandera

Aiko ayaw makasama si Ara sa pelikula kahit nagkabati na

- October 03, 2017 - 12:20 AM

KUNG si Aiko Melendez ang tatanungin, ayaw muna niyang makasama sa isang proyekto si Ara Mina. After 16 years ng pagdededmahan (ng dahil kay Jomari Yllana) ay nagkabati na rin ang dalawang aktres.

Nakarating kay Aiko na marami ang nagre-request na pagsamahin sila sa isang movie, pero ayon sa Kapamilya actress hindi pa ito ang tamang panahon.

“Huwag muna. Ayoko pa. Gusto kong irespeto yung proseso na kababati lang at ayokong paglaruan, at isipin ng mga tao na ginamit ang sitwasyon, so ayoko muna.

“When she texted me that Patrick (Meneses) is very much interested in producing a film, sabi ko, ‘Hahahaha! That’s really funny, but I am not interested.’ Importante sa akin na kakabati lang namin nu’ng tao.

“Pagpipiyestahan lang kami, then mauungkat na naman yung dati na kinalimutan na namin,” pahayag ni Aiko sa isang TV interview. Si Patrick Meneses ay ex-boyfriend ni Aiko at tatay ng anak ni Ara.

Pero hirit ni Aiko, hindi niya totally isinasara ang kanyang pinto sa posibleng pagsasama nila ni Ara sa pelikula, “If it’s meant to happen, it would happen, but I just don’t think now is the right time.”

Samantala, kasali si Aiko sa bagong advocacy film na “The New Generation Heroes” na tumatalakay sa buhay ng mga guro na patuloy na ginagampanan ang kanilang responsibilidad sa mga kabataan sa kabila ng personal nilang mga problema.

Napanood na namin ang pelikula at masasabi naming napapanahon ang pagpapalabas nito para maipaalala sa lahat ang mga sakripisyo at paghihirap na ginagawa ng mga teacher para sa kanilang mga estudyante.

Simple lang ang pagkagawa sa “New Generation Heroes” ngunit malinaw ang mensaheng gusto nitong ipabatid sa manonood kabilang na ang mga magulang na nagpapakahirap sa ibang bansa para lang mapagtapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

Ginagampanan ni Aiko sa movie ang isang OFW sa Korea na halos magpakamatay na sa katatrabaho ngunit wala siyang kaalam-alam na niloloko na pala siya ng kanyang asawa habang nasangkot naman sa droga ang kanyang panganay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May kanya-kanyang highlights din ang iba pang bida sa movie tulad nina Jao Mapa, Joyce Penas Pilarsky at Anita Linda. Pambalanse naman sa madadramang eksena ang mga hirit at punchline ng komedyanang si Debraliz na nagpahagalpak sa manonood.

Showing na ngayong Miyerkules, Oct. 4, sa lahat ng sinehan ang “New Generation Heroes” bilang bahagi ng World’s Teachers’ Day (Oct. 5) celebration, sa direksyon ni Anthony Hernandez mula sa Golden Tiger Films.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending