SA panahon ngayon, mahirap para sa simpleng mamamayan ang pagsusuri sa mga maiinit na balita lalo na sa pulitika. Mayroon pa ring mga taong nanonood ng balita sa TV at nagbabasa ng mga pahayagan, pero mas nakararami ang kumukuha ngayon ng balita at isyu sa Facebook, Youtube at blogs.
Noong nakaraang 2016 elections, basag ang kredibilidad ng “mainstream media” dahil mas naging epektibo ang “youtube news” na gumagamit din ng “news video” at news graphics pero ibang-iba ang anggulo sa mga balita sa TV.
Ilan dito ay exaggera-ted at hindi kapani-paniwalang mga balita na naging viral. Partikular na nagising sa isyu noong eleksyon ang mga OFWs sa buong mundo na hanggang ngayon ay nagpapakita ng interes sa mga nangyayari sa bansa.
At marahil dito talaga nagkatalo sa halalan. Ang Liberal party ay nagkamali sa pag-concentrate sa mainstream at traditional media at binalewala ang ginagawa ng kampo ni Duterte sa social media na kumunekta sa grassroots lalo na sa OFWs.
Tapos na ang eleks-yon, 16 months nang nakaupo ang bagong administration, at natuto na ang dalawang panig, pero baligtad na ang sitwasyon.
Ang administrasyon naging oposisyon at ang oposisyon ang nasa pwesto.
Tuloy pa rin ang pagkalat ng mga viral news sa social media. Ang mga ka-DDS, binigyan ng pwesto ng Malakanyang at accreditation sa mga importanteng news events.
At nitong huli, aktibo na naman ang mga blog na tumatalakay sa mga issues. Nariyan ang “Thinking Pinoy” ni Rey Joseph Nieto, mga blogs nina Sass Rogando Sasot, at Mocha Uson na pro-Duterte. Sa kabila ay ang kampi sa Liberal Party o oposisyon ngayon na “SilentnoMorePH”, “ChangeScamming”, “MadamClaudia” at “Pinoy Ako Blog” ni Cocoy Dayao .
Mga hot issues na lumulusot pa sa mga TV reports sa ABS-CBN at GMA7. Sa totoo lang, kapag sinubaybayan ang magkabilang panig talagang malalaman kaagad kung sino sa dalawang panig ang nagsisinunga-ling o nagsasabi ng totoo.
Tulad noong isyu ng AMLC report sa Ombudsman, magkaiba ang paliwanag. Ganoon din sa Senate resolution sa extra judicial killings kung saan pitong senador ang kinastigo dahil hindi raw pumabor.
Makikita rin ang mga “timing” at “agenda” ng nasabing mga blogs para pag-usapan sila ng taumbayan. Ika nga “war on perceptions”.
Pero sa totoo lang, ang mga blogs na ito’y may kanya-kanyang “lo-yal audience” na hindi magpapatalo. Siyempre, iyong ka-DDS ay solid ang messaging sa masa at OFW lalo pa’t sila ang nasa gobyerno.
Ganoon din ang pro-Liberal party na bloggers dahil ang audience nila ay mga nakaririwasa sa buhay, academe, aktibista at simbahan. Idagdag pa rito ang dati na nilang kakampi na “mainstream media” sa television, radio at print media, talagang napakalakas ng kanilang messaging.
Kaya lamang ang nakaraang pagkilos ng oposisyon ay walang “critical mass” ng sambayanang Pilipino, walang “mass swelling of support” at “public outrage” kahit bugbog ang plugging at coverage sa telebisyon.
Sabi nga ng mga political analysts, nag-iba na ngayon ang masa, hindi na tulad noon na sakay ng sakay sa isyu. Kabisado, at mulat na mulat na ba ang taumbayan sa FAKE NEWS ng mga blogs at “mainstream media”?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.