‘Paano nasisikmura si Manny Pacquiao ng mga kapwa niya senador?!’
I SALUTE Manny Pacquiao as a boxer pero nananayo ang mga balahibo ko tuwing napapanood ko siya sa mga sessions ng Senado.
As a boxer kasi, given that he is really special – mahusay at champion. Alam naman nating naging stepping stone niya ito para maupo sa anumang government post na papasukin niya pero sana naman, once elected ay gamitin naman niya ang posisyon sa tama at kaayusan.
Mahina na nga ang utak nagpapadala pa sa kaway ng mga ibang ungas sa hanay niya. Napasobra yata kasi ang pagsisipsip sa pangulo kaya kahit nagmumukhang engot sa mga depensa niya kay PDutz ay go lang siya nang go. At sobrang tayog ng dating niya, malayo sa ugali ng Manny Pacquiao na minahal ng sambayanan noon.
Iyan ang nagagawa ng kulang sa edukasyon – naniniwalang lahat ay matututunan sa pakikisalamuha sa iba’t ibang uri ng tao sa araw-araw. Hindi namin minamaliit ang kakulangan niya sa pormal na edukasyon pero sa posisyong kanyang kinalulugaran, ang pagiging Senador, hindi puwedeng iasa lahat sa consultants ang mga desisyon. It takes a certain amount of brilliance bago makagawa ng batas.
Recently, nagmukha siyang komedyante sa latest controversy na kinasangkutan niya. Ito yung may konek sa naka-live chat niyang sexy girl sa Instagram. Meron pa siyang drama na “You can call me anytime.” Ha! Ha! Ha! Nabuko si mokong – pumutok ang isyu. Ha! Ha! Ha! Agad dumepensa ang Lolo Manny ninyo by saying na na-curious lang siya kaya pinindot ang live chat page na iyon sa IG.
Wala naman daw malisya iyon. Kumbaga, naging interesado lang siya, kasi nga, maganda at sexy ang girlash. For whatever it’s worth, marami ang natawa sa kanya. But you know, hindi big deal sa akin iyon, tao lang si Manny Pacquiao, may libog pa rin yan sa katawan. Hindi krimen para sa akin kung nag-participate siya sa chatroom na iyon. Nagkataon lang na sikat siya kaya ito napag-uusapan. With or without malice, kebs, di ba?
Ang hindi ko lang ma-take talaga sa kanya ay ang napanood kong video of him explaining why he didn’t sign that resolution sa pagsugpo ng EJKs sa bansa na pinirmahan ng 16 senators at tanging silang 7 Deadly Sens na tinatawag ang di pumirma.
Pikon na pikon siya sa pagpapaliwanag, na hindi raw ito dumaan sa opisina niya. Na inilihim lang ito sa kanilang pito. Na ayaw na raw niyang balikan ang dating buhay niya habang tumutunog ang kanyang mga kamao.
Hey, obvious bang kayong tinutukoy na 7 Deadly Sens lang ang di pumirma, alam n’yo naman siguro kung bakit. Kasi nga, kahit idaan naman sa opisina ninyo iyan ay di niyo naman papansinin. Puwes, paimbestigahan ninyo amongst yourselves kung sino ang may pagkukulang regarding that. Ireklamo ninyo ang culprit. Huwag nang idaan sa pananakot. Bakit? Ikaw lang ba ang may puwersa para lumaban?
You maybe a great boxer pero bawat isa sa mga kasamahan mo ay well-equipped with powers and ammunition. You are not talking to a man on the street – you are referring to your kapwa-senador. Ha! Ha! Ha! Bakit, nabasa mo ba sa Bible na kaya mo silang patumbahin lahat? Hawak ka nang hawak ng Bible pero hindi ka naman kumukontra sa patayan sa kapaligiran. Hindi mo ba nabasa sa Bibliya na bawal ang pumatay?
Nagtataka talaga ako kung paano nasisikmura ng mga kapwa niya senador itong si Manny Pacquiao. Kakabaliw na boksingerong naging senador.
Dapat sa kaniya, ibuhos niya ang kaniyang pagseserbisyo publiko sa sports. Maraming pangangailangan ang sports division sa bansa para lalong mapahusay ang ating mga athletes pero waley, deadma siya. Mas gusto niyang makipagtagisan sa katalinuhan ng mga kapwa-senador sa entablado. Gusto ring sumali sa mga debates, eh mahina naman ang dyutak.
q q q
Hay naku, gugunitain ko na lang ang birthday ng late dad namin today. Na-miss ko bigla ang daddy naming si Atty. Custodio S. Sucaldito, Sr. who passed away in 2000.
Na-miss ko ang bihirang bonding moments namin before, yung lunches namin sa Savory sa Escolta, Manila. Na-miss ko ang pag-sit in ko sa classes niya sa PMI Colleges sa Sta. Cruz, Manila long time ago. He taught kasi sa PMI before kaya nadadalaw ko siya minsan.
Ang dami kong natutunan sa daddy namin, tumapang ako sa pakikipaglaban sa buhay nang dahil sa kanya. He was such a strong man. And you know, what was painful pa was remembering that he died in my arms. I was beside him sa hospital bed niya nang mag-expire siya after subukang i-revive ng mga doctors.
Wherever you are dad, you will always be in our hearts. Thanks for leaving us a beautiful surname na madadala namin hanggang sa kahuli-hulihang sandali. I’m proud being a Sucaldito. Thanks and I love you dad. Mwah!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.