Rain or Shine, TNT KaTropa agawan sa huling semis seat | Bandera

Rain or Shine, TNT KaTropa agawan sa huling semis seat

Angelito Oredo - September 29, 2017 - 12:11 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. TNT KaTropa vs Rain or Shine

PILIT aagawin ng Rain or Shine ang isang silya sa semifinals sa paghahangad nito na biguin sa ikatlong pagkakataon ang TNT KaTropa sa matira-matibay na ikalawang laro ng kanilang sariling serye sa quarterfinals ng 2017 PBA Governors’ Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Binigo ng pumangpito matapos ang eliminasyon na Elasto Painters sa ikalawa nitong paghaharap sa kumperensiya ang KaTropa, 106-102, upang itulak ang kanilang serye sa do-or-die game ganap na alas-7 ng gabi.

Sasandigan muli ng Rain or Shine ang kanilang pagiging kontrapelo sa mga KaTropa si import J’Nathan Bullock na nanguna sa opensiba at Gabe Norwood na tumulong sa depensa para itulak ang Elasto Painters sa krusyal na ikalawang laro.

“I told the players from the very beginning that we have a good matchup against TNT, with their import, their locals,” sabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia. “Same things we run, same system. So it would all be about who wants it more on the defensive side. We just have to prepare again for the crucial one.”

Nagtala si Bullock ng game-high 31 puntos habang isinagawa ni Norwood ang krusyal na pagdepensa sa papatapos na minuto upang maghangad makatuntong sa unang pagkakataon sa semifinals sa ilalim ni Garcia.

 

Hindi rin matatawaran ang depensa ni Norwood kontra kay TNT import Glen Rice Jr. na nakagawa lamang ng 19 puntos, 10 rebounds at anim na assists.

Nagtala si Norwood ng 15 puntos, siyam na rebounds at anim na assists bagaman pinaka-importante ang pag-agaw nito sa bola sa krusyal na sandali na nagawang lumapit ng KaTropa sa 104-100.

Nauna namang umusad sa semis ang Star Hotshots at Barangay Ginebra Gin Kings na nagwagi agad sa kani-kanilang quarterfinals series.

Tinambakan ng Hotshots ang NLEX Road Warriors, 89-77, noong Martes habang dinurog ng Gin Kings ang San Miguel Beermen, 104-84, Miyerkules ng gabi.

Samantala, dumiretso na rin ang Meralco Bolts sa semis matapos nitong sibakin ang Blackwater Elite, 104-96, Huwebes ng gabi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pinangunahan ni Baser Amer ang Bolts sa kinamadang 31 puntos habang si Allen Durham ay nag-ambag ng 18 puntos at 20 rebounds.

Nagtala naman si Henry Walker ng 34 puntos at 16 rebounds para pamunuan ang Elite.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending