Bus rumampa sa sidewalk: 4 sugatan | Bandera

Bus rumampa sa sidewalk: 4 sugatan

John Roson - September 28, 2017 - 03:06 PM
Apat katao, kabilang ang dalawang bata, ang nasugatan nang mabundol ng bus na rumampa sa sidewalk sa Baao, Camarines Sur, Huwebes ng gabi. Isinugod sa ospital sina Rodrigo Rifareal, 56; Vicente Billiones, 60; Trisha Billiones, 5; at Janine Billiones, 4, dahil sa pinsalang tinamo sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi ni Senior Insp. Ma. Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol regional police. Naganap ang insidente dakong alas-6:30, habang minamaneho ni Allan Nuyte ang HJMJ bus (EVR-335) sa Brgy. San Francisco. Bumibiyahe pa-timog ang bus nang mabundol ang mga pedestrian, ani Calubaquib. Lumabas sa imbestigasyon na sinubukang unahan ni Nuyte ang sasakyan sa harap ng bus, pero paglipat sa kabilang lane ay may nakasabay na nag-overtake kaya niya nirampa ang bus sa sidewalk. Dinala ang mga sugatan sa Bicol Medical Center sa Naga City, ani Calubaquib. (John Roson) – end –

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending