‘Magkaaway pa rin sina Kris at Ai Ai kaya hayaan na muna natin sila!’
ANG dami talagang “mema” sa mundong ito – as in “me masabi” lang. Pati ba naman sa kasal nina Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan ay meron pa ring gustong mang-intriga?
May ilang netizens kasi ang nagpupumilit na maimbitahan daw sana ni Ai Ai ang former BFF niyang si Kris Aquino sa nalalapit nitong kasal. Bakit? Bakit kailangang ipagpilitang imbitahin si Kris eh, war na nga sila ni Ai Ai? Bakit ba mas marunong pa kayo?
Kaya tama lang na tarayan ni Sofia (bunsong anak ni Ai Ai) ang isang basher na napupumilit. Baliw kasi, alam naman niyang magkaaway ang dalawa pero ipinagpipilitan pa rin ang ilusyon niya. Even Kris herself understands why she is not invited.
Kayo kaya ang magpakasal at isama n’yo sa entourage si Kris. Masyado kayong mapilit na wala naman sa lugar.
Anyway, kami naman, we are very happy for Ai Ai dahil nakita na niya ang lalaking gusto niyang pakisamahan for the rest of her life. We are praying na sana last na ito – nakadalawang kasal na kasi siya in the past na hindi nag-work kaya sana, tama na ang desisyon niya this time. After all, nakilala naman namin si Gerald and nakita naman namin kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. And Gerald is a professional in his own right, nakapagtapos ng pag-aaral sa Dela Salle University.
In short, galing din ito sa may sinasabing pamilya kaya huwag ninyong matahin. At guwapo pa though I guess he has to lose a little weight kasi the last time I saw him, parang lumobo siya nang konti. Mabait si Gerald at matinong lalaki. Kaya Congrats sa inyong dalawa in advance. Mwah!
q q q
Nagkita kami ni Ken Chan sa burol ng isang common friend sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan last Sunday. Kasama ni Ken ang parents niya and he looked so good. Ibinalita niya sa akin na malapit nang ipalabas ang movie nila ni Barbie Forteza entitled “This Time I’ll Be Sweeter” and he will be doing another movie right after. Sa TV ay pa-guesting-guesting lang daw muna siya.
“Hoping na magka-teleserye ako ulit soon. Iba kasi pag teleserye, mas enjoy ako. Plus mas stable ang kita, di ba? Ha! Ha! Ha!” aniya pa.
I agree. Mas regular kasi ang kita pag teleserye, di ba? Tsaka, magaling na aktor ang batang ito, professional pa. Nakakatuwa itong si Ken dahil napaka-grateful din sa friendship. Very charming and polite. Obviously ay maganda ang pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang. He is so attached to his parents kaya magaan ang loob namin sa kaniya. Ang bata kasing mabait sa magulang ay malapit sa puso namin. Ayaw namin ng mga suwail.
Kahit pinakamahusay ka pang aktor, kung salbahe ka sa parents mo, di namin feel. And tandaan niyo iyan, mabigat sa buhay ang may galit sa mga magulang niya. Sobrang bigat talaga. Believe me!
Naalala ko pa ang pamamayagpag ng pangalan ni Ken during his Destiny Rose days. Ang galing-galing niyang umarteng bading. Cute. Aakalain mo talagang baklita siya. Pero sa totoong buhay ay napakaraming baliw na baliw sa kanya dahil maganda ang katawan at guwapo ang fez. Kahit kami nga ay nagkaka-crush sa kaniya. Kung di lang namin siya ka-close, malamang na pinagpantasyahan na namin siya. He! He! He!
q q q
Ganda ng kuwentuhan namin ni Allan K the other night after naming mag-tong-its. We talked about some common friends at mga sari-saring kalokohang kuwento na nagaganap sa mga buhay namin. Halakhakan to the max and a little seriousness on some matters.
Naikuwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa pagpanaw ni Richard Pinlac recently. Kasi nga, na-cremate na si Pinlac the other day and he is also close to Allan K.
“Ako talaga, hindi ako pumupunta sa patay. Lalo na sa mga kaibigan, ayokong makita silang patay. Gusto ko laging naaalala ang masasayang araw namin together. Lalo pa itong kay Richard na sobrang masayahin, gusto ko palaging naaalalang nagtatawanan kami. Kaya di talaga ako sumilip.
“Ipagdasal ko na lang siya and remember the fun days namin together. Ganoon talaga, wala tayong magagawa. Nauna lang siya,” ani Allan.
Ako naman ‘kako, gusto ko lang magbigay ng last respect ko for him in the name of friendship. Despite some little differences in the past, kinalimutan ko na rin iyon. It’s nice to be forgiving lalo na sa taong wala na sa mundo. Once a person dies, we must settle all differences para maka-move on tayo. Ganoon ako. After all, no one is perfect on earth. Lahat naman tayo ay may kaniya-kaniyang flaws.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.