Mga Pinoy hindi naniniwala na nanlaban, drug dealer ang mga pinatay ng pulis-SWS | Bandera

Mga Pinoy hindi naniniwala na nanlaban, drug dealer ang mga pinatay ng pulis-SWS

Leifbilly Begas - September 27, 2017 - 05:07 PM

Isa sa bawat dalawang Filipino ang naniniwala na hindi nanlaban ang mga napatay ng mga pulis sa kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa survey ng Social Weather Station mula Hunyo 23-26, nagsabi ang 54 porsyento ng mga respondent na sila ay ‘lubos na sumasang-ayon’ (20 porsyento) at ‘medyo sumasang-ayon’ (34 porsyento), sa pahayag na: “Marami sa mga pinatay ng mga pulis sa kampanya laban sa iligal na droga ay hindi totoong nanlaban sa pulis.”
Undecided naman ang 25 porsyento.
Ang mga hindi naman naniniwala dito ay 20 porsyento (12 porsyentong medyo hindi sumasang-ayon, at 8 porsyentong hindi sumasang-ayon).
Samantala, 49 porsyento naman ang hindi naniniwala na drug dealer ang marami sa mga pinatay sa police operation.
Nagsabi ang 17 porsyento na sumasang-ayon sila na marami sa mga napatay ng pulis ay hindi tulak at 32 porsyento ang nagsabi na medyo sumasang-ayon sila sa pahayag na ito.
Ang undecided naman ay 27 porsyento.
Samantalang 24 porsyento naman ang hindi sang-ayon sa pahayag— (13 porsyento ang nagsabi na medyo hindi sumasang-ayon at 11 porsyento ang lubos na hindi sumasang-ayon).
Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents, tig-P300 sa Metro Manila, iba tang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending