Pesticide, hindi bird flu, ang sanhi ng pagmatay ng 100 maya sa Bulacan | Bandera

Pesticide, hindi bird flu, ang sanhi ng pagmatay ng 100 maya sa Bulacan

- September 27, 2017 - 03:19 PM

NATAGPUANG patay ang 100 maya sa isang sakahan sa isang barangay sa Malolos City, bagamat itinanggi ng mga beterenaryo na bird flu ang sanhi ng pagkamatay ng mga ibon noong Sabado.

Sinabi ni Voltaire Basinang, Bulacan provincial veterinarian, na nasawi ang mga ibong dahil sa inispray na mga pestisidyo sa mga sakahan.

Ayon kay Ferdinand Bautista,  residente ng Barangay Sumapang Matanda, natagpuna niya ang 100 patay na ibon na nakakalat sa isang bukid noong isang linggo at inalerto ang mga otoridad kaugnay ng pangyayari.

Idinagdag ni Basinang na tatlong ibon lamang ang natagpuan ng kanyang team nang magsagawa ng inspeksyon sa sakahan.

Ani Basinang posibleng nilinis na ng mga may-ari ng sakahan ang kani-kanilang bukid bago pa man dumating ang mga beterinaryo.

Base sa imbestigasyon, nag-spray ang isang magsasaka ng pestisidyo sa kanyang mga tanim bago nakitang patay ang mga ibon sa lupa.

“Incidents of maya birds dying from pesticide poisoning are common here,” sabi ni  Basinang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending