Sigaw ng ilang taga-Ormoc: Wag kang pikon Goma! Sagutin n’yo ang isyu!
DURING campaign periods, more often that not (if not all the time), politicians go around sa sorties promising every Juan good life, stable jobs, trasparency, free medical assistance, the best education, etcetera, etcetera.
Habang nangangako sila, napakatamis ng kanilang mga ngiti. Kailangan kasing makumbinse nila ang kanilang constituents effortlessly that they come from their hearts – na sincere sila sa kanilang mga promises. They pretend to be as humble as they can para mas madaling maka-connect sa tao.
But when elections are over, doon na lumalabas ang kanilang tunay na kulay at pagkatao. Paulit-ulit na lang na nangyayari ito lalo na sa bansa natin. May mga bagay-bagay kasing obvious na kailangang matugunan ng pamahalaan pero since di sila sang-ayon sa opinyon ng ibang ahensiya, ipaparamdam nila ang kanilang himutok o galit sa pamamagitan ng di-pagbibigay ng karampatang budget to keep those offices going. Iyan ang himutok ng Commission on Human Rights na binigyan lamang ng P1,000 budget for the year.
Ito ay pinagbotohan ng mga kongresista, at nagwagi ang kagustuhan ng kasalukuyang administrasyon na bigyan sila ng P1,000 na pondo dahil sa pagkontra ng ahensiya sa maraming patayan sa bansa, most especially itong EJKs.
Puro imbestigasyong nababasura lang kadalasan. And one of the members of the House of Congress/Representatives ay si Cong. Lucy Torres-Gomez ng Ormoc, maybahay ni Ormoc Mayor Richard Gomez, an actor.
Simple lang naman ang gustong malaman ng kanilang constituents and other concerned netizens, kung bumoto ba si Cong. Lucy sa P1,000 budget ng CHR dahil nakakabingi nga raw ang katahimikan niya about the issue. Nakita naman natin ang pag-alsa ng kalooban ni Batangas Cong. Vilma Santos-Recto dahil talagang ibinandera niya ang pagkontra niya rito.
Hindi sumagot si Cong. Lucy kung ano ang naging stand niya tungkol dito, ang nagsalita para sa kanya ay ang asawang si Mayor Richard Gomez. Nagwawala sa galit si Goma sa mga nagtatanong at kumukuwestyon sa kanyang asawa. Napikon ang alkalde.
Sinabihan pa niya ang mga ito na sila na ang tumakbo sa susunod na halalan para malaman nila how it is to be a politician.
“Paalala lang kay Richard Gomez, kung naging imahe niya sa showbiz ang pikon, hindi iyan uubra sa politics. Kung ayaw ninyong matanong kayo, umalis kayo diyan. Karapatan ng mga nasasakupan ninyong malaman kung ano ang stand ninyo on issues dahil ang mga buhay nila ang nakataya riyan.
“Mauunawaan naman namin kung bakit oo o hindi ang sagot sa tanong namin eh, we just want to know. Parang pinapalabas n’yo pang utang na loob namin sa inyo ang pagkaluklok ninyo sa puwesto. At huwag mo kaming daanin sa pagkapikon Richard. Huwag niyo kaming hintaying magalit sa inyong mag-asawa,” ang galit na galit na tinuran ng isang kausap namin from Ormoc.
Actually, points well-taken. Tama naman ang kausap namin na hindi talaga puwedeng idaan sa pagkapikon or pagiging pilosopo ang sagot sa mga mahahalagang issues. They owe that to their public.
Para malaman na rin nila kung ano ang mga susunod nilang hakbang para lalong umunlad ang mga buhay nila. Goma dear. Huwag mo silang pagalitan, they don’t deserve that.
Napansin kasi namin, speaking of the obvious pa rin, marami talaga ang mga pulitikong takot sumalungat kay President Rodrigo Duterte dahil may pagka-benggador nga raw ito. Pag napag-initan ka, patay kang bata ka. It’s either you don’t get a single cent na budget para sa lugar mo or hahanapan ka ng kaso para matanggal ka sa puwesto.
That’s how we see it. Sana ay matigil na ang ganitong sistema para lalong umunlad ang bansa natin – after all, we live in a democratic country.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.