Hazing suspect na si Solano ayaw harapin ang mga magulang ni Atio | Bandera

Hazing suspect na si Solano ayaw harapin ang mga magulang ni Atio

- September 24, 2017 - 03:52 PM
TUMANGGING humarap sa mga magulang ng  freshman University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio “Atio”Castillo III  ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay kay Atio, ayon sa ulat sa radyo. Ayon sa mga ulat, pumunta ang mga magulang ni Atio na sina Horacio Jr. at Carmina sa Manila Police District (MPD) kaninang umaga para makipag-usap sa sumukong suspek na si John Paul Solano. Sinabi ng MPD na tumangging humarap si Solano sa mga magulang nang hindi kasama ang kanyang abogado. Nanawagan naman si MPD Chief Gen. Joel Coronel sa iba pang mga miyembro ng  Aegis Juris Fraternity na sumuko na kung may impormasyon sila sa pagkamatay ni  Castillo. “We will arrest them wherever they are,” sabi ni Coronel. Idinagdag ni Coronel na anim na iba pang opisyal ng fraternity ang kanilang tinutugis sa kabila ng patuloy na pagtatago ng karamihan sa mga ito. Sinabi pa ni Coronel na suspek din ang nanay ni Ralph Trangia matapos tulungan ang kanyang anak na makatakas papuntang United States, ayon kay  Coronel. “Most of the suspects are hiding with assistance of other persons. But hopefully we’ll make arrests again,” sabi Coronel. Sumuko si Solano sa opisina ni Sen. Panfilo Lacson, bagamat iginiit na siya ay inosente. Suspek din ang tatay ni Trangia, na si  Antonio, matapos matagpuan ang  Mitsubishi Strada na ginamit para dalhin si Castillo sa ospital.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending