John Lloyd puro kabalahuraan na ang ginagawa; pati sariling dumi pinagtripan | Bandera

John Lloyd puro kabalahuraan na ang ginagawa; pati sariling dumi pinagtripan

Cristy Fermin |September 23,2017
facebook
share this

John Lloyd puro kabalahuraan na ang ginagawa; pati sariling dumi pinagtripan

Cristy Fermin - September 23, 2017 - 12:30 AM

JOHN LLOYD CRUZ

EWAN kung anong klase ng pag-iisip na ang meron si John Lloyd Cruz. Dati nang alam ng buong bayan na tomador siya, mahilig siyang uminom at maglasing, pero hanggang du’n lang ‘yun.

Pero mula nang maging magkarelasyon na sila ni Ellen Adarna ay kung anu-anong kabalahuraan na ang kanyang kinapapalooban.

Hanggang ngayo’y pinagpipistahan pa rin ang lumabas niyang picture na nakangarat siya (dirty finger), meron ding para siyang batang takot na takot na nagtatago sa likod ng mga tangke, walwal na walwal si JLC!

Pero ang pinakamatindi na siguro ay ang pinakahuli niyang post sa Instagram kung saan niya niretratuhan ang kanyang echas para ipagbanduhan sa social media.

Ewan kung kaninong ideya ‘yun. Siya lang kaya ang nagdesisyong ilabas ang itsura ng kanyang dumi para ipakita sa publiko o may nagturo na naman sa kanya sa pagti-trip na ‘yun?

Hindi na nagagalit kay John Lloyd ang mga nakakasubaybay sa mga pinakahuli niyang aktibidad. Awa na ang nararamdaman ng ating mga kababayan at matinding panghihinayang.

Nakakaawa nga naman ang isang tulad niya na parang siya na mismo ang sumisira sa kanyang sarili. Napakaraming personalidad ang nangangarap na maging tulad niya na sikat, magaling umarte at punumpuno ng mga biyaya, pero parang hindi man lang niya pinahahalagahan ang lahat ng ‘yun.

Ano na nga kaya ang kailangang gawin ngayon kay John Lloyd Cruz ng mga nangangalaga sa kanyang career?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending