Maja, Gerald, Aiko, Tirso naghatid ng good vibes sa mga sundalo at mga health worker | Bandera

Maja, Gerald, Aiko, Tirso naghatid ng good vibes sa mga sundalo at mga health worker

- September 17, 2017 - 12:25 AM


NAGKAROON ng pagkakataon ang mga nagpapagaling na sundalo at masisipag na health workers sa Victoriano Luna Medical Center (VLMC) na magsaya at magpahinga nang dalhin ng ABS-CBN ang cast ng Wildflower at It’s Showtime at nagsagawa ng isang programa para sa ika-80 na anibersaryo ng ospital.

“Sa loob ng 29 taon ko sa serbisyo, ngayon ko lang nakita ang VLMC nang ganito. Maraming salamat sa ABS-CBN. Maski sa labas marami pang gustong manood,” sabi ni Col. Patrick de Leon, deputy commander ng AFP Health Service Command.

Nakasama nila sa celebration sina Maja Salvador, Gerald Anderson, Aiko Melendez at Tirso Cruz III. Ito na ang second time na nagtanghal ang mga artista ng Dos para magpakita ng suporta sa ating mga sundalo na ngayon ay pansamantalang tahanan ang VLMC upang magpagaling mula sa mga sakit at sugat na tinamo sa pagtatanggol sa bayan.

Nauna na ang cast ng FPJ’s Ang Probinsyano noong Agosto sa pagpapasaya, pagpapatawa, pagpapasayaw, pagpapakanta at pagpapakilig hindi lang sa mga pasyente kundi pati sa kanilang mga caregiver, at iba pang staff ng ospital.

Binuksan ng GirlTrends at dating Your Face Sounds Familiar contestant na si Eric Nicolas ang programa na sinundan naman ng “Cash-Ya” kasama ang mga sundalo at ang co-host na si Roxanne Barcelo at Ryan Bang. Nagtanghal din ang finalists ng Tawag ng Tanghalan na sina Noven, Froilan at Marielle habang sumalang din naman sa “Sundahula” si Aiko.

May sakit ang kontrabida ng “Wildflower,” pero nagpursugi itong magpunta para makiisa sa selebrasyon. “Nu’ng sinabi nila sa akin na para ito sa mga taong nagsisilbi sa bayan bumangon talaga ako,” aniya.

Nagbigay pugay din ang iba pang mga Kapamilya stars tulad nina Miko Raval, RK Bagatsing at Joseph Marco sa mga bagong bayani ng bayan. Espesyal din ang sandaling iyon para kay Vin Abrenica, dahil nagsilbi rin sa bayan at watawat ng Pilipinas ang kanyang ama at lolo.

Ani Tirso, “Masaya kaming mga ordinaryong mamamayan dahil nakakatulog kami ng mahimbing at tahimik dahil alam namin na pinagtatanggol niyo kami. Malaki ang utang na loob namin sa inyo.”

Nagdiwang naman ang mga manonood ng tumuntong na sa entablado si Ivy Aguas para sa ilang song-and-dance numbers. Pero binalik muli ni Maja ang atensyon sa audience at sinabing, “Maraming salamat sa pagiging inspirasyon niyon at pagbibigay ng lakas niyo para sa bayan. Kayo ang mga bagong bayani ng Pilipinas!”

Hindi naman nagpahuli ang mga sundalo sa pagpapakita ng talento. May kumanta, may tumugtog ng violin, at isang banda ang bumanat ng rock classic na “Sweet Child of Mine” sa pamumuno ng hepe ng Department of Medicine ng ospital na si Lt. Col. Nerio Zabala.

Sa pagtulong sa pag-ibsan ng sakit na dinaranas ng mga bayaning lumalaban para sa mga Pilipino, sa pamamagitan ng entertainment at public service, muling naisabuhay ng ABS-CBN ang misyo nitong maging “In the Service of the Filipino”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending