KissMarc fans: Dito kinilig na kami, paano pa kaya pag sila na ang bida! | Bandera

KissMarc fans: Dito kinilig na kami, paano pa kaya pag sila na ang bida!

Djan Magbanua |September 16,2017
facebook
share this

KissMarc fans: Dito kinilig na kami, paano pa kaya pag sila na ang bida!

Djan Magbanua - September 16, 2017 - 06:57 PM

 

SUPPORT role sina Kisses Delavin at Marco Gallo sa Loving in Tandem na pinagbibidahan nina Maymay Entrata at Edward Barber.

Gayunman, nagpamalas pa rin ng galing ang dalawa, dahilan para lalo silang kinagiliwan ng kanilang mga solid fans na KissMarc.

Hindi nagpaawat ang KissMarc fans, dahil talagang nagpa-block screening pa sila just to support their idols.

In fairness, sa pakilig ng dalawa sa movie ay bentang-benta pa rin sa kanilang fans.

Sabi nga ng nakausap namin mula sa KissMarc Flashers, ang nagpablock screening noong Biyernes ng gabi sa Fisher Mall VIP Cinema, ngayon pa lang ay nakakakilig na sila paano pa raw kung sila na ang bibida sa sarili nilang movie?

Anyway, bago ang block screening dumaan saglit sina Kisses at Marco para personal na magpasalamat sa mga manonood at fans nila before the start of the show.

Game na game silang nagpapicture at makipag-selfie with the fans.

Parang hindi nga halata na puyat sila dahil all smiles pa rin ang dalawa to the delight of the fans.

Balita din namin na may nakalatag pang mga block screening today mula sa mga supporters ng KissMarc, kaya panigurado kung magkakaroon sila ng lead role sa next film nila ay dadayuhin pa din ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending