Gusto ng hiwalayan ang kerida | Bandera

Gusto ng hiwalayan ang kerida

Joseph Greenfield - September 15, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Caleb ng St, Francis Village, Bagbag, Lapu-Lapu City,
Dear Sir Greenfield,

Ako po ay may legal na pamilya, pero bukod sa kanila ay mayroon din akong binabahay na babae. Magdadalawang taon na ang lihim namin ng kerida ko. Ang problema ay simula nang humina ang kita ko sa pinapasukan kong kumpanya at nawala pa ang mga over-time ko, hindi ko na kayang suportahan ang babaeng kinasakama ko dahil wala na akong pambayad sa apartment at pangsustento sa kanya.
Sa ngayon ay balak ko na siyang iwanan, ang kaso ay kapag daw naghiwalay kami ay magpapakamatay. At bago raw siya magpakamatay ay ibibisto niya raw lahat sa asawa ko ang ginagawa naming kalokohan.
Sa ngayon ay litong-lito na ako sa kakaiisip kung paano ko mahihiwalayan ang babaeng ito nang hindi maeeskadalo ang pamilya ko? October 4, 1975 ang birthday ko.
Umaasa,
Caleb ng Lapu-Lapu City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Sa ayaw at sa gusto niya, at puwede ring sa ayaw at sa gusto mo, siguardong magkakahiwalay din kayo. Ito ang nais sabihin ng nabiyak at magulong ikalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 2.) sa iyong palad. Tanda na kaunting panahon na lang ang hinihintay ay pikit-matang magdedesisyon ka na hiwalayan na ang iyong kerida kahit ano pang pagbabanta ang gagawin niya. Hindi mo na papansinin ang mga bagay na iyon.
Cartomancy:
Nine of Clubs, Ten of Hearts at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.), ang mga baraha ang nagsasabing sa buwan ding ito ng Setyembre, pinakamatagal na sa Oktubre, tunay ngang magagawa mo nang makipaghiwalay sa kasalukuyan mong kerida. At sa pakikipaghiwalay na nabanggit, sa larangan ng salapi ay susuwertehin ka. Ibig sabihin, kapag nahiwalayan mo ang iyong kerida, magugulat ka pa, maraming suwerte ang muling darating sa iyo na may kaugnayan sa pera.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending