Simple at makabuluhang paggunita sa Marcos birth centennial | Bandera

Simple at makabuluhang paggunita sa Marcos birth centennial

Bella Cariaso - September 10, 2017 - 12:10 AM

BUKAS ay ginugunita ang kaarawan ni dating pangulong Ferdinand Marcos at mahalaga ito lalu na para sa mga pamilya Marcos dahil ito ang ikaw-100 kapanganakan ng yumaong presidente.

Bilang pakikilahok sa paggunita ng birth centennial ni Marcos, ipinalabas ni Pangulong Duterte ang Proclamation 310 na nagdedeklara bilang special non working holiday sa buong Ilocos Norte tuwing September 11.

Idinagdag ni Duterte na layunin ng proclamation na mabigyan oportunidad ang buong taga Ilocos Norte na makilahok sa mga inihandang mga akdibidad para sa Septyembre 11.

Ipinanganak si Marcos o Ferdinand Edralin Marcos noong Setyembre 11, 1917.

Sa ngayon, todo na ang nagiging paghahanda para sa Marcos birthday centennial.

Sa susunod na taon o sa Pebrero 2018 ipinagdiriwang din ang bicentennial foundation ng Ilocos Norte.
Sisimulan ang paggunita sa birth centennial ni Marcos sa pamamagitan ng Literary at Art Festival, dalawang araw na aktibidad para ipakita ang mga nagawa ni Marcos at iba’t ibang mga patimpalak.

Sinabi ni Ilocos Norte Tourism Officer Aian Raquel na magsasagawa ng mga paligsahan para sa mga mag-aaral mula elementary hanggang college.

Magkakaroon din ng isang pop-up exhibition ng mga digital posters at mga art pieces para parangalan si Marcos, quiz show, ‘KalesArt’ na kompetisyon at tour-guiding contest.

Isasagawa rin ang socialpolitical forum bilang highlight ng paggunita sa kaarawan ni Marcos.

Kabilang naman sa mga magbibigay ng lecture ay sina Prof. Clarita R. Carlos ng University of the Philippines; Prof. Antonio P. Contreras ng De La Salle University; Dr. Jaime C. Laya, dating minister of budget at education, culture, and sports at Atty. Estelito Mendoza.

Sinabi ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na napakahalaga ng paggunita ng ikaw-100 anibersaryo ng kaarawan ni Marcos.

Ito ang unang pagkakataon na inimbitahan ang mga eksperto para magbigay ng pananaw sa pamumuno ni Marcos.

Magsasagawa rin ng sunud-sunod na flag-raising ceremonies sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Norte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I would give us time as a province to also look to the life and work of the most famous son of Ilocos Norte and to reflect on his accomplishments as a president and as a servant of the province,” sabi ni Raquel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending