Perpetual Altas dinaig ang Letran Knights sa OT
Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
12 n.n. Mapua vs San Beda
2 p.m. St. Benilde vs Lyceum
4 p.m. San Sebastian vs Emilio Aguinaldo
UMASA ang University of Perpetual Help Altas kina Prince Eze, Gab Dagangon at Jeff Coronel sa overtime bago nito nabigo ang Letran Knights, 88-82, upang palakasin ang tsansa nito sa Final Four ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament Huwebes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.
Nagtulong sina Eze, Dagangon at Coronel sa pagkolekta sa 12 sa 13 puntos ng koponan sa krusyal na bahagi ng overtime upang itulak ang Altas sa ikaapat nitong panalo kontra sa anim na kabiguan.
Pinakaimportante sa panalo ay nagawang lumapit ng Las Piñas-based school sa isang laro na lamang sa likod ng tinalo nito na Letran na nahulog sa 5-5 panalo-talo kartada.
Si Eze, na nanguna sa MVP race sa unang round, ay nagtala ng 21 puntos at 19 rebounds habang si Dagangon at Coronel ay nagtala ng 21 at 10 puntos.
“We knew we still have a chance of making the Final Four and I’m glad the players are determined to get this win,” sabi ni Jimwell Gican, na opisyal nang hinawakan ang responsibilidad bilang head coach matapos na magpasya si Nosa Omorogbe na sumailalim sa indefinite leave.
Sa ikalawang laro, tinalo ng Arellano University Chiefs ang Jose Rizal University Heavy Bombers sa double overtime, 115-109.
Bunga ng panalo, umangat ang Arellano sa 4-6 record.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.