SIYEMPRE, tuwang-tuwa sina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo sa tagumpay at pagiging certified blockbuster ng latest offering nilang “Woke Up Like This”.
Mahigit P60 million na ang kinita ng comedy movie nina Vhong Navarro at Lovi Poe at extended pa rin ito sa mga sinehan until now. Kaya naman nagbigay ng bonggang victory party and thanksgiving ang Regal Entertainment recently na ginanap sa District 8 sa Greenhills, San Juan owned by Daniel Padilla, James Yap, Vice Ganda and Marc Pingris.
Present sa event sina Vhong, Bayani Agbayani, Raikko Matteo, Cora Wadell, Dionne Monsanto at iba pang members ng cast. Hindi naman nakarating si Lovi dahil nagpunta siya sa Paris para sa wedding nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.
Kitang-kita naman sa aura nina Mother Lily at Ms. Roselle ang kaligayahan nang makipag-bonding sila sa entertainment media dahil sa success ng ‘Woke Up Like This”.
Hindi naman daw imposibleng masundan pa ang proyekto nina Vhong at Lovi sa Regal dahil nga sa mainit na pagtanggap ng madlang pipol sa kanilang pelikula. Sabi nga ng TV host-comedian bilib na bilib siya sa timing ni Lovi bilang komedyana na nakilala ng publiko bilang magaling na drama actress.
“First time ni Lovi na mag-comedy pero pinatunayan niya agad sa mga manonood na pwede rin siyang magpatawa. Sobrang ang galing-galing niya sa movie,” ani Vhong na nagsabing game na game siyang makasama uli ang Kapuso actress sa isang proyekto dahil talagang nag-enjoy siya sa una nilang pelikula together.
Sure na sure kami na kahit si Lovi ay looking forward sa next project nila ni Vhong. Sabi nga ng dalaga ang sarap katrabaho ni Vhong, “Kung gaano siya ka-funny on screen, actually mas funny siya in person kasi walang filter.”
Ang “Woke Up Like This” ay sa direksyon ni Joel Ferrer under Regal Entertainment at showing pa rin sa mga paborito nyo’ng sinehan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.