Serye nina Paulo, Ritz at Ejay na kinunan sa Europe sobrang gastos
ISA sa mga sinasabing pinakamagastos na teleserye ng Dreamscape Entertainment ang The Promise Of Forever nina Paulo Avelino, Ritz Azul at Ejay Falcon. Ito’y dahil nga sa iba’t ibang lugar sa Europe kinunan ang programa.
Wala pang timeslot ang TPOF, ngunit kinumpirma ni Ritz na tapos na ang serye, “Since it is already canned, the program is expected to air for only one season. For this reason, it can’t have an extended run. But depende pa rin siguro sa management.
“Pero kumpleto na yung story, yung script, buong-buo na, parang movie na siya.”
Ayon pa kay Ritz, mainit din silang winelkam ni Czech Republic Ambassador Jaroslav Olsa, Jr. bago sila nag-shootiing sa Prague, “Noong nagtaping kami, tinulungan kami ng embassy, ng ambassador na makapag-taping ng maayos sa mga lugar. Tinuruan nila kami kung paano magtaping ng maayos sa lugar na yun, kung kailan konti yung tao, kung kailan madami yung tao.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.