HINDI ka nila malulupig, pagkat sasaiyo Ako para iligtas ka. May kamalian at kahiya-hiya ang pagkilos. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa at Ebanghelyo (Jer 1:17-19; Slm 70:1-2, 3-4a, 15ab, 17; Mc 6:17-29) sa pagpapakasakit ni San Juan, ang tagapagbinyag.
Ang pagpatay lang pala kay Kian ang makapagpapahinto, kahit saglit, sa EJK, na kahina-hinalang nanalasa sa Bulacan at Maynila sa loob ng tig-isang araw. Ang pagpatay lang pala kay Kian ang magbubuklod sa mga ulat ng intel na napukaw ang damdamin ng taumbayan kontra mamamatay-tao na mga pulis, na sumusunod lamang sa utos ng nakatataas, tulad ng one-time, big-time na pagkatay ni Herodes sa ninos inocentes.
Ang pagpatay lang pala kay Kian, ng Caloocan City, ang makapagpapahinto sa itinatapong salvage victims na may mga karatulang “Adik (o pusher) ako, huwag tularan,” “Adik-rapist ako, huwag tularan,” “Magnanakaw (o snatcher) ako, huwag tularan,” atbp. Di na (muna) ito uso.
Ang pagpatay lang pala kay Kian, na ang ambisyon ay magpulis, ang makapagpapahinto, pansamantala, sa biyahe ng riding in tandem sa North at South Caloocan. Ang ibig bang sabihin nito ay pulis ang nasa likod ng EJK, one-time, big-time at salvagings, at ito’y utos ng nakatataas sa kanila na hindi maaaring suwayin?
Mismong mga pulis ay nagtataka kung bakit inilaglag sila (napakaraming istorya at iyan ay mabubuo lamang kapag wala na sa poder si Digong, o kundi’y sinimulan na ang pagdinig sa kaso sa International Criminal Court, tulad ng inilarawan sa pelikulang “Hitman’s Bodyguard”) ng kanilang mga boss at amo.
“Gapang” ang tingin ng taga-Caloocan sa hapunan ng mag-asawang De los Santos at ni Digong sa Malacanang. Sumunod si Digong sa payo na huwag nang dumalaw sa burol ni Kian dahil sa maigting na pagkamuhi sa EJK; o kundi’y sa kanya mismo. Hindi. Hindi sila “inayos.”
Huminto muna ang “bagyo ng patayan” dahil saglit na dumadaan ang bansa sa “mata ng unos.” Babalik din ang patayan, ang EJK, dahil patuloy na uhaw sa dugo si Digong. Kung kelan ito babalik ay mga pulis lamang ang nakaaalam, habang nakamasid pa rin ang Diyos, tulad ng nangyari kina Slovodan, Nikolai, Broz, Adolf, Josef, atbp. (isasama na ba si Rodrigo?).
Di nagbabago sa pag-uulat ang kolum na ito na may shabu pa rin sa Southern Bulacan at North Caloocan. Iyan daw ang shabu na galing sa Customs nina Faeldon at Duterte. Kung pinapatay ang taumbayan, meron din namang itinutumbang mga pulis, kahit pangilan-ngilan muna. Sa dalawang insidente, wala tayong magagawa.
Libu-libo na ang patay sa gera kontra droga (kung tunay na adik at pusher ang pinatay, okey lang dahil sinaniban na sila ng demonyo). Bakit ayaw gawin ito kontra New People’s Army, ISIS-Maute, ISIS-Abu Sayyaf, kotong cops, kotong traffic enforcers at mga pasaway sa kalye?
Dahil sa umano’y drug money, ang halalan sa barangay ay ipagpapaliban. Simple lang para mawala ang drug money. Huwag nang palusutin sa Customs ang shabu. Bakit minana (at mas matindi pa) ng gobyernong Duterte ang shabu smuggling sa rehimeng Aquino?
Namagitan ba ang langit sa kaso ni Bongbong kontra Leni sa PET? Sa matinding away na Andy at Tish ay tukoy ang hinihinalang dayaan sa 2010 elections. Wala sa diskarte ni Bongbong ang mandaya, pero malaki ang maitutulong ng away nina Andy at Tish, at kung magiging totoo ang dayaan at lagayan, hulog ng langit ang mga Bautista kay Marcos.
PANALANGIN: Fear everything and run (FEAR). Face everything and rise (FEAR). Rev. Fr. Prospero Tenorio, parish priest-rector, National Shrine of the Divine Mercy.
MULA sa bayan (0916-5401958): Kasuhan na ang tiwaling mga opisyal sa Customs. Tama na ang imbestigasyon. Meron palang ebidensiya. Kumbinsido na ang publiko sa katiwalian nina Faeldon at mga sundalong kontra-GMA. Bakit smuggling sa semento? Mas matindi ang droga. EFB …0821
Linisin ng bisyo ang Diego Silang, Butuan City. …4388
Tumataas ang presyo ng gas dito sa Holy Redeemer, Butuan. …1996
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.