Tamang pasahod ngayong Eid'l Adha, dapat sundin | Bandera

Tamang pasahod ngayong Eid’l Adha, dapat sundin

Liza Soriano - August 30, 2017 - 12:10 AM

NARARAPAT lamang na sundin ng mga employer ang pay rules sa pagdiriwang ng Eid’l Adh

Idineklarang walangb pasok sa eskwela at trabaho sa Biyernes, Setyembre 1, para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha ng mga Muslim.

Sa Proclamation No. 297 ni Pangulong Rodrigo Duterte, idineklarang regular holiday ang isa sa dalawang “greatest feasts” ng Islam.

Idineklara ito alinsunod sa Republic Act. 9849 at base na rin sa deklarasyon ng gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia at rekomendasyon National Commission on Muslim Filipinos.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang kautusan.

Narito ang pay rules na dapat sundin ng mga employer sa regular holidays:

Kapag ang empleyado ay hindi pumasok sa regular holiday, tatanggapin pa rin nito ang 100 percent ng kanyang sahod sa araw na iyon. Computation: [(Daily Rate + COLA) x 100%]

Kapag pumasok naman ang empleyado sa regular holiday ay dapat itong makatanggap ng 200 percent ng kanyang regular na sahod sa unang walong oras. Computation: [(Daily Rate + COLA) x 200%].

Dapat naman siyang bayaran ng 30 percent ng kanyang hourly rate kapag nag-overtime ito. Computation: [Hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x number of hours worked].

Kapag nataon naman na day-off ng mga empleyado ang regular holiday at pumasok sa trabaho ay dapat siyang makatanggap ng karagdagang 30 percent ng kanyang daily rate. Computation: Computation: [(Daily Rate + COLA) x 200%] + [30% (Daily rate x 200%)].

At kapag natapat ang day-off sa regular holiday at nag-overtime ito dapat ay bayaran din siya ng karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate sa araw na iyon. Computation: [Hourly rate of the basic daily wage x 200% x 130% x 130% x number of hours worked].

Narito naman ang pay rules sa special non-working day:

Kapag hindi pumasok ang empleyado ay applicable dito ang “no-work, no-pay” principle maliban na lamang kapag may paborableng company policy, practice o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay pahintulot na sahuran ang mga liliban sa trabaho na empleyado sa special non-working day.

Para naman sa mga mag-o-overtime, dapat ay bayaran ng kumpanya ang karagdagang 30 percent ng kanyang hourly rate. Computation: (Hourly rate of the basic daily wage X 130% x 130% x number of hours worked).

Kapag nataon naman ang non-working day sa kanilang rest day at pumasok sa trabaho ay kailangang masahuran ang empleyado ng karagdagang 50 percent ng kanyang daily rate sa unang walong oras sa trabaho. Computation: [(Daily Rate x 150%) + COLA].

At kapag nag-overtime ang empleyado sa special day na nataon din sa kanyang day-off, dapat ay may karagdagan ding 30 percent ang kanyang hourly rate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Computation: (Hourly rate of the basic daily wage x 150% x 130% x number of hours worked).
Labor Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending