Kailan makapag-aasawa? | Bandera

Kailan makapag-aasawa?

Joseph Greenfield - August 30, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Lolitie ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu
Dear Sir Greenfield,

Magte-38 years old na ako sa darating na October 6. Ang problema ay wala pa rin akong matino at seryosong boyfriend.
Nagka-boyfriend na ako dati sa online, pero isang beses lang kami nagkita at hindi na ito nasundan. Nagde-activate na rin siya ng account kaya nawalan na kami ng communication.
Sa ngayon ay lagi akong nagdarasal nabago man lang ako umabot ng 40 ay magka-boyfriend na ako, makapag-asawa at magkaroon ng sarili pamilya dahil ang alam ko kapag tumatanda na ang isang babae ay mahihirapan nang manganak. Ano sa palagay n’yo magkaka-boyfriend pa kaya ako, makapag-asawa at magkakaroon pa kaya ako ng isang simple at masayang pamilya? At kung magkakaroon, kailan naman kaya ito mangyayari? October 6, 1979 ang birthday ko.
Umaasa,
Lolitie ng Cebu
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin at kitang-kita naman ang kaisa-isa at magandang Guhit ng Pag-aasawa o Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Malinaw na tanda na kahit na umabot ka pa ng edad 40 pataas, wag kang mag-alala, darating at darating din ang saktong panahong ikaw ay magkaka-boyfriend hanggang sa tuluyang makapag-asawa.
Cartomancy:
Queen of Clubs, Ten of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 2.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking mas malaki ang agwat sa iyo ng edad, ibig sabihin ay mas matanda sa iyo ng mga 5 to 10 years, ang iyong makikilala at magiging boyfriend sa taong 2019, sa edad mong 40 pataas.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending