Sekyu problemado sa masungit na amo | Bandera

Sekyu problemado sa masungit na amo

Beth Viaje - August 25, 2017 - 12:10 AM

Ateng Beth,

Anong gagawin ko sa best friend ko? Di ko na mapigil ang sarili kong mahalin siya more than a friend.
Sa bawat oras at araw namingg pagkikita lalo lang siyang napapamahal sa akin. Ang kaso may BF siya.
Ako po pala si Arianne ng Paranaque. Yes, ateng Beth, lesbian po ako. Pero lately ko Lang nadiscover sa sarili ko. Anong gagawin ko? Salamat po.

Arianne,

May BF na pala so huwag nang manira ng relasyon. Kung, as in kung, magbi-break, doon ka siguro pwedeng magbakasakali.

Mas mabuti siguro pag-aralan mo muna ang sarili mo, since sabi mo nga, ay kailan lang mo na-discover ang iyong pagiging lesbian.

Dear Ateng Beth,

Isa po akong company guard. Hindi din naman kalakihan ang sahod ko. Ipinagtataka ko lang po kung bakit po ganon lahat ng mga naging amo ko, masusungit at mahigpit.

Maayos naman po akong magtrabaho at sobra sa oras ako magtrabaho at di nga bi-nabayaran ang OT (overtime) ko at higit pa sa pagguguwardya ang trabaho ko.

Naglilinis ng building, naghahardinero, carwash at kargador pero msama pa rin ugali ng amo ako.
Ano po ba ang dapat kong gawin? Sana po matulungan n’yo po ako.

PMRV, ng Makati

 

Hello, PMRV!
Iyon kasing ugali ng ibang tao ay hindi nakabase sa pakikisama natin. Ganoon din naman na ang ating mabuting pakikisama ay hindi dapat ibase sa ugali ng kaharap natin.

Ang ugali ay kasama sa karakter ng isang tao. ’Yun siya kahit gawan mo siya ng mabuti o masama.
Huwag nating intindihin yung ugali ng iba. Basta tayo gumawa tayo ng mabuti, anong nararapat at totoo.

Kung makita at magustuhan ng iba, pasalamat tayo. Kung hindi, patuloy pa rin dapat ang paggawa ng mabuti at nararapat at totoo. Sanayin natin ang sarili natin na maghasik ng kabutihan.

Pero minsan hindi rin masamang gumamit ng common sense. Kapag inaabuso na, atras na, alis na. Hindi lang sila ang pwedeng pagmalasakitan, mabuti ring magmalasakit sa sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ateng Beth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending