Pinas wagi ng 2 ginto sa SEAG gymnastics | Bandera

Pinas wagi ng 2 ginto sa SEAG gymnastics

Dennis Christian Hilanga - , August 22, 2017 - 02:59 PM

NAGWAGI si Kaitlin de Guzman sa gymnastics women’s artistic uneven bars habang nagtagumpay din si Reyland Yuson Capellan sa men’s artistic gymnastics floor exercise upang ibigay sa Pilipinas ang ikaapat at ikalimang gintong medalya ng bansa sa ginaganap na 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur Malaysia.

Kumolekta ang 17-taong gulang na si de Guzman ng 12.875 puntos upang daigin ang pambato ng Malaysia na si  Tracie Ang na may 12.550 at Indonesia bet Rifda Iranalithfi na may 12.075.

Nagtala naman si Capellan ng kabuuang 13.950 puntos upang mapanatili ang titulo sa nasabing event na kanya ring naiuwi noong 2015 Singapore Games.

Sumegunda para sa pilak si Zul Bahrin Sin Mat Asri ng Malaysia na may 13.750 puntos habang tumapos sa ikatlong pwesto para sa tanso si Tikumporn Surintornta ng Thailand na may 13.600 puntos. Nasa ikawalong pwesto naman ang isa pang Pinoy, ang 18 taong gulang at first-timer na si  John Matthew Vergara.

Mayroon nang kabuuang 17 medalya ang bansa (5 gold- 6 silver- 6 bronze) na kasalukuyang nasa ikaanim na puwesto sa 11-nation biennial meet na pinangungunahan ng host Malaysia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending