PNoy hindi natutuwa sa mga murang natatanggap mula kay DU30
BAGAMAT hindi nabahala sa mga banat sa kanya ni Pangulong Duterte, sinabi ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na hindi siya natutuwa sa mga murang natatanggap mula sa pumalit sa kanya matapos namang batikusin ang gera ng gobyerno kontra droga.
“Style n’ya ‘yun e. Siguro pag nailabas n’ya ‘yun baka naman, titingnan ng Pangulo, ‘tama ba ang sinasabi nito?’” sabi ni Aquino sa isang panayam sa Manila Memorial Park.
“’Pag tama o baka naman maging pang-udyok ‘yun na sabihin na bakit nga ba ganito, parang parehong-pareho, eksakto yung numero? Baka naman bumuti yung kanilang programa laban sa droga. Tumakbo na ng isang taon, dapat may resulta na tayong makita,” dagdag ni Aquino.
Nauna nang sinabi ni Aquino na wala namang nangyayari sa kampanya ng administrasyon laban sa droga, dahilan para makatikim ng mura kay Duterte.
Nang tanungin kung nasasaktan siya sa pagmumura sa kanya ni Duterte, sumagot si Aquino ng, “Sabi nga nila, hindi ka pwedeng maging balat sibuyas. Syempre hindi ko naman ikinatuwa pero balikan ko lang, baka naman sakali may saysay ba yung kanyang sinasabi, e di sulit na rin,” ayon pa kay Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.