Nagbitiw sa kompanya, dapat bang tumanggap ng 13th month pay? | Bandera

Nagbitiw sa kompanya, dapat bang tumanggap ng 13th month pay?

Liza Soriano - August 19, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Palagi po akong nagbabasa ng inyong pahayagan dahil batid ko na marami kayong natutulungan.

Gusto ko lang po sana na humingi ng tulong sa Department of Labor and Employment dahil last year pa po ng buwan ng September nang mag-resign ako sa company na dati kong pinapasukan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin naibibigay sa akin ang aking 13th month pay na mandatory naman po. Dapat po di ba ibinigay nila sa akin iyon kahit wala na ako sa company?

Mag iisang taon na po next month simula nang magbitiw ako sa kanila. Malaking tulong din po ang makukuha ko na kahit papaano ay pwede kong ipagpatayo ng maliit na negosyo.

Sana po ay matulungan ako ng DOLE na makuha ko ang benepisyo na dapat kong makuha.

Alano Rosales
Dagat-Dagatan,
Navotas City

REPLY: Magandang araw sa iyo Mr. Rosales ng Dagat-dagatan.

Base na rin po sa mga naipalabas ng memorandum ng DOLE hinggil sa pagbibigay ng 13th month pay, meron po talaga kayong karapatan na makuha ito, base na rin sa sinasabi ng batas.
Nagpalabas po si Labor Secretary Silvestre Bello III ng babala sa mga employers noor isang taon tungkol sa pagbabayad ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.

“All employers are required to pay their rank-and-file employees the 13th month pay, regardless of the nature of their employment, and irrespective of the methods by which their wages are paid, provided they worked for at least one month in a year,” yan po ang sinabi ni Sec. Bello noong isang taon, at naniniwala tayo na iyan din ang kanyang posisyon ngayon.

Ibig sabihin kahit nagbitiw na kayo sa inyong kompanya ay dapat makatanggap kayo ng 13th month pay, kasi malinaw sa batas na meron lang isang buwan na namasukan ay makatatanggap na nito.

Narito naman po ang tugon ng DOLE:

“Good afternoon.
Maari na po kayong magsadya sa pinakamalapit na DOLE na nasasakupan ng inyong nakaraang pinagtatrabahuhan. Gusto ko pong ipabatid sa inyo na meron po lamang kayong tatlong taon para makapaghain ng reklamo. Kapag lumagpas sa nabanggit na bilang ng taon ang inyong reklamo ay mapapaso na.

Magsadya po kayo sa National Labor Relations Commission sa address na 2nd floor Bookman bldg., Banawe St., Quezon City. Tel nos. 7407729 at 7407757. Ang complaint na ipa file niyo ay nonpayment of 13th month pay.
Salamat po.”

 

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending