P41M nasungkit sa Negros Occidental | Bandera

P41M nasungkit sa Negros Occidental

Leifbilly Begas - August 17, 2017 - 04:07 PM
Isang mananaya sa Negros Occidental ang nanalo ng P41.8 milyon sa Mega Lotto 6/45.     Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo ay tumaya sa Public Market ng Poblacion Murcia.     Siya ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 17-08-45-24-01-40. Nagkakahalaga ng P20 ang itinaya ng nanalo.     Umabot sa P19.9 milyon ang halaga ng itinaya para sa naturang bola.     Nanalo naman ng tig-P36,900 ang 27 mananaya na nakakuha ng limang numero.     Tig-P500 naman ang tinamaan ng 1,582 mananaya na nakaapat na numero at balik naman ang P20 taya ng 25,810 mananaya na nakatatlong numero.       Ang mga nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanilang premyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending