Bembol 63 na pero umaming nagyoyosi at umiinom pa rin
HALOS apat na dekada na sa showbiz industry si Bembol Roco at hindi na mabilang kung ilang pelikula at soap opera ang nagawa niya at kung ilang acting awards na rin ang napanalunan niya.
Kaya naman nang makatsikahan namin si Bembol sa pocket presscon ng pelikulang “AWOL” kung saan may mahalagang papel ang aktor, ay natanong kung may challenge pa ba sa kanya ang bawat karakter na ginagampanan niya dahil parang halos lahat ng role ay nagawa na niya.
“Oo naman, iba-iba naman lahat ng ginagawa ko. Actually, dito sa ‘AWOL’, guest role lang ako, halos sa finale na ako lalabas,” kaswal na sabi ng batikang aktor.
At dahil marami na ring artistang nakatrabaho si Bembol ay tinanong kung anong masasabi niya sa bida ng “AWOL” na si Gerald Anderson.
“Magaling siya, he worked very hard for this, makikita naman sa pelikula. Hard action ito. He fits the role,” pahayang ng aktor.
As of now ay aktibo si Bembol sa paggawa ng indie films na sabi niya ay gulung-gulo na siya.
“Naguguluhan na nga ako sa indie at mainstream, it’s all the same to me. Walang pagkakaiba, ganu’n din, work is work. Nagsimula naman ang indie noong maliit pa lang sila parang lumalabas experimental films sila at that time.
“E, dahil sa mga international awards na napapanalunan nila (indie films), lumawak na, bukod sa alam natin ang difference ng budget, talent fee, production. Sa acting, ganu’n pa rin. Actually, I’m impressed with some of them (indie directors), magagaling,” kuwento ng aktor.
Samantala, maraming kasabayan ni Bembol ang nawala na at ‘yung iba ay may mga sakit na kaya tinanong namin siya kung paano niya naaalagaan ang sarili niya dahil physically fit pa rin siya at ang ganda pa maglakad at nakakapagmaneho pa nang mag-isa.
“I keep myself active, ingat sa pagkain, nothing special naman. For my age, I feel good. I exercise regularly, I run, bike, basta lang magpawis, kahit ano and I ride the motorcycle, goes scuba diving, lot of acitivities,” kuwento ng aktor.
Aminadong may mga bisyo pa rin siya tulad ng paninigarilyo at pag-inom, “Yes, I mean ano lang naman ‘yan, control lang. Hindi naman ako umiinom para malasing, social drinking lang. I know my limitations and I am 63 (years old) right now and I’m 43 years in the business,” nakangiting kuwento ni Bembol.
Ang nasirang direk Lino Brocka ang naka-discover kay Bembol at kuwento nga niya, “Accidental actor ako, I’ve never dreamt of becoming an actor, hindi iyon ang gusto ko sa buhay ko noong bata ako.
“Gusto ko professional athlete, sa basketball kasi iyon ang kinalakihan ko, coach kasi ang father ko,” sabay tawa ng aktor.
Anyway, halos lahat ng nagagampanang karakter ni Bembol ay salbahe pero okey lang iyon sa kanya. Sa katunayan ay isang salbaheng heneral din ang papel niya nu’ng mag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Samantala, tinanong namin kung may karakter pa ba siyang hindi nagagampana, aniya halos lahat daw ay nagawa na niya pati na ang pagiging bading.
“Ang sarap nga, eh,” tumawang sabi ng aktor sa mga ginampanan niyang gay roles.
Anyway, napapanood na ngayon ang “AWOL” sa mga sinehan bilang entry ng Skylight Films at Cinebro sa 2017 Pista Ng Pelikulang Pilipino mula sa direksyon ni Enzo Williams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.