Sulat mula kay Efren ng Malapatan, Sarangani
Dear Sir Greenfield,
1. Matagal na rin akong nagseserbisyo sa gobyerno. Pero dahil hindi naman ako tapos ng kolehiyo, hindi tumataas ang aking suweldo at madalas na napag-iiwanan kapag may dumarating na bago, degree holder at may eligibility. May negosyo naman kami ng misis ko na mga hayop sa aming likod-bahay at maganda naman ang kinikita nito, bagaman pa-ilan-ilan lang. Sa katunayan nakapagtapos na ako ng isang anak sa kolehiyo at nasa abroad na siya ngayon bilang seaman.
2. Sabi ng misis ko at mga anak ko, mag-resign na raw ako sa trabaho, at ang perang makukuha ko ay idagdag na lang daw sa puhunan ng aming negosyo. Natatakot kasi sila kapag nadedestino ako sa malalayong lugar, lalo na sa magugulong bayan. Ayaw nilang masawi ako sa labanan kaya gusto nilang sa bahay na lang ako mamalagi. Itatanong ko lang po kung susuwertehin kaya ako sa paghahayupan? Balak ko po kasing lakihan pa ang aming business at bumili pa ako ng mga baka. Ano po ba ang masasabi ninyo sa balak kong ito? Kapag nag-resign ako sa pagka-sundalo may pag-asa kaya kaming yumaman sa negosyong paghahayupan? January 28, 1960 po ang birthday ko.
Umaasa, Efren ng Malapatan, Sarangani
Solusyon/Analysis: Palmistry: Kusa namang nagpalit o nag-iba ng linya ang Fate Line o Career Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, mula sa pagseserbisyo, sa malapit na hinaharap, ikaw ay magiging matagumpay na negosyante.
Cartomancy: Ace of Diamonds, Eight of Hearts at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing higit ka ngang papalarin at uunlad sa negosyong may kaugnayan sa paghahayupan at paghahalaman kesa pagsusundalo.
Sagot sa sulat ni Efren ng Malapatan, Sarangani
Problema:
1. Matagal na rin akong nagseserbisyo sa gobyerno. Pero dahil hindi naman ako tapos ng kolehiyo, hindi tumataas ang aking suweldo at madalas na napag-iiwanan kapag may dumarating na bago, degree holder at may eligibility. May negosyo naman kami ng misis ko na mga hayop sa aming likod-bahay at maganda naman ang kinikita nito, bagaman pailan-ilan lang. Sa katunayan nakapagtapos na ako ng isang anak sa kolehiyo at nasa abroad na siya ngayon bilang seaman.
2. Sabi ng misis ko at mga anak ko, mag-resign na raw ako sa trabaho, at ang perang makukuha ko ay idagdag na lang sa puhunan ng aming negosyo. Natatakot kasi sila kapag nadedestino ako sa malalayong lugar, lalo na sa magugulong bayan. Ayaw nilang masawi ako sa labanan, kaya gusto nilang sa bahay na lang ako mamalagi. Itatanong ko lang po kung susuwertehin kaya ako sa paghahayupan? Balak ko po kasing lakihan pa ang aming business at bumili pa ako ng mga baka. Ano po ba ang masasabi ninyo sa balak kong ito? Kapag nag-resign ako sa pagka-sundalo may pag-asa kaya kaming yumaman sa negosyong paghahayupan? January 28, 1960 po ang birthday ko.
Umaasa,
Efren ng Malapatan, Sarangani
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Capricorn (Illustration 2.) ang nagsasabing kapag nag-resign ka at pinagpatuloy ang inyong business na may kaugnayan sa paghahayupan at dagdagan mo pa ng paghahalaman, tiyak ang magaganap – sa ganyang larangan ka yayaman.
Numerology:
Ayon sa birth date mo, kumuha ka ng tauhan o kasama na may birth date na 5, 14, at 23, sapagkat ang mga tauhan o kasamang nabanggit ang lalong magpapayaman sayo.
Luscher Color Test:
Gumamit ka ng kulay na pula at berde bilang opisyal na kulay ng iyong negosyo at makikita mo, mas mabilis na lalago ang inyong kabuhayan.
Huling payo at paalala:
Efren, ayon sa iyong kapalaran nasa tamang daan ka. Tama lang na mag-resign ka sa pagsusundalo, dahil baka yan pa ang ikamatay mo, at pagkatapos paunlarin mo na lang ang kasalukuyan ninyong negosyong babuyan, at dagdagan mo pa ng bakahan, at mga paghahalaman. Sa ganyang paraan, mga five years from now, kung sa taon ding ito ay sisimulan mo na ang iyong balak, tulad ng nasabi na, lilipas ang limang taon, mayamang-mayaman ka na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.