Faeldon, Trillanes nagharap, nag-iyakan | Bandera

Faeldon, Trillanes nagharap, nag-iyakan

- August 15, 2017 - 06:13 PM

NAGING matensyon ang paghaharap kahapon nina Sen. Antonio Trillanes IV at Bureau of Custom (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon sa pagdinig ng Senado ukol sa pagpuslit ng P6.4 B halaga ng shabu sa Pilipinas.
Nagmatigas si Faeldon na hindi sagutin ang tanong ni Trillanes kung may korupsyon sa BOC.
Nakailang tanong si Trillanes pero hindi ito sinagot ni Faeldon kaya pumagitna na si Sen. Richard Gordon at nakiusap sa opisyal na sagutin si Trillanes at huwag maging arogante.
“Kung kayo ay may alitan, huwag mo dalhin yung alitan n’yo dito,” ani Gordon kay Faeldon.
Sinabi ni Faeldon na sasagutin niya ang tanong ng mga senador maliban kay Trillanes dahil kumbinsido na umano ito na sangkot siya sa pagpuslit ng shabu.
Muli ay nagmatigas si Faeldon at hindi sinagot ang tanong ni Trillanes kaya pansamantalang nagdeklara ng recess si Gordon upang kausapin si Faeldon nang masinsinan.
Habang nag-uusap ang dalawa ay naging emosyonal si Fealdon.
Pagbalik sa pagdinig ay kinumpirma ni Faeldon na may korupsyon na nagaganap sa BoC.

Ilang araw makaraang madetine sa Senado ay bigla umanong natutong mag-Tagalog ang Chinese businessman na si Richard Tan.
Matatandaang na-cite for contempt si Tan sa nakaraang hearing ng Senate blue ribbon committee dahil sa umano’y pagsisinungaling nito sa usapin ng 600 kilo ng shabu shipment.
Natawa ang mga senador nang muling humarap kahapon ang negosyante nang walang interpreter at sinabi na kaya na raw niyang magsalita ng Filipino at English.
Matatandaang lahat ng tanong at sagot ay isinalin pa sa Filipino mula sa Chinese noong nakalipas na hearing kaya tumagal ang pagdinig.
Ayon kay Sen. Sonny Angara, nakakatuwa ang development na ito.
“After few days sa kostudiya ng Senado, marunong nang mag- Tagalog itong si Richard Chen/Tan. Last week, hindi marunong,” aniya.

Mariin namang itinanggi ng negosyanteng si Kenneth Dong ang kaugnayan sa mga anak ni Pangulong rodrigo Duterte na sina Davao Vice Mayor Paolo Duterte at Sebastian Duterte.
Si Dong ang isa sa mga personalidad na pinangalanan ng testigong si Mark Taguba na middleman umano sa ilang transaksyon sa cargo shipment sa BoC.
Hindi naman kumbinsido si Sen. Richard Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, sa pagkakaugnay ni Dong sa mga anak ng Pangulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending