Letran Knights asinta ang ika-4 sunod panalo | Bandera

Letran Knights asinta ang ika-4 sunod panalo

Angelito Oredo - August 15, 2017 - 12:14 AM

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
12 n.n. Arellano vsPerpetual
2 p.m. JRU vs EAC
4 p.m. Letran vs San Sebastian
Team Standings: Lyceum (7-0); San Beda (6-1); Letran (4-3); EAC (3-3); San Sebastian
(3-3); JRU (2-3); Arellano (2-4); Perpetual (2-4); St. Benilde (2-5); Mapua (1-6)

IKAAPAT na sunod na panalo ang pilit hahablutin ngayon ng Letran Knights sa pagsagupa nito sa season host San Sebastian Stags sa tampok na laro ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Una munang maghaharap alas-12 ng tanghali ang Arellano University Chiefs kontra University of Perpetual Altas bago ang sagupaan ng Jose Rizal University Heavy Bombers kontra Emilio Aguinaldo College Generals.

Huling magsasagupa sa seniors division ang Knights na pilit kakapitan ang solong ikatlong puwesto sa pagharap nito sa Stags alas-4 ng hapon.

Huling sinandigan ng Knights ang kabayanihan ni Bong Quinto sa endgame kung saan umahon ang Letran mula sa pagkakaiwan tungo sa pag-agaw sa panalo at pagpapalasap ng kabiguan sa Perpetual, 63-61, noong Biyernes para sa ikatlong sunod nitong panalo at ikaapat sa pangkalahatan sa loob ng pitong laro.

Dahil sa kabiguan sa nasabing laro ay hindi napigilan ni Perpetual Help coach Nic Omorogbe ang pagkadismaya kung kaya nasuntok at nasira nito ang pintuan ng kanilang ginamit na dugout.

Nangunguna pa rin ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa malinis na 7-0 panalo-talong kartada habang ang defending champion San Beda Red Lions ay nasa ikalawa sa 6-1 marka.

Pilit din papahabain ng San Sebastian ang sarili nitong winning streak matapos masungkit ang ikalawang sunod na panalo kontra College of St. Benilde Blazers, 101-71, noong Biyernes para sa 3-3 kartada.

Inaasahan naman ni Letran coach Jeff Napa ang pisikal na laro kontra Stags.

“San Sebastian is a physical team and likes to really run so it’s going to be tough,” sabi ni Napa.

Pilit naman aahon ang Generals sa nalasap na 93-97 kabiguan kontra Knights noong Huwebes sa pagsagupa nito sa Heavy Bombers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending