2 gay stand-up comedian tinigilan na raw ang panggagaya kay Jaya | Bandera

2 gay stand-up comedian tinigilan na raw ang panggagaya kay Jaya

Jobert Sucaldito - August 13, 2017 - 12:35 AM


NAGING usap-usapan sa kuwentuhan ng mga baklitang hosts ang Soul Diva na si Jaya a few nights ago.

Alam niyo naman si Jaya, reyna rin ng mga bading sa kantahan.

Paborito siyang i-impersonate ng mga stand-up comedian dahil kakaiba ang hagod ng kanyang boses at sikat ang mga songs niya dati. Meron kaming kakilala (dalawang stand-up comedian) who carries her name. Ganoon siya kareyna sa sing-along at comedy bars.

But that was before. Yung mga nagdya-Jaya ngayon ay parang di na mabenta masyado. Nagagamit lang ang songs and kilos ni Jaya sa mga gigs nila pag novelty na ang portion.

“Kasi, wala na ring dating si Jaya ngayon. Hanggang judge na lang siya ng It’s Showtime. Wala na yung premium niya as a singer. Paano naman kasi, kung hindi niya abot ang pitch ng sarili niyang song, itinataas niya ito hanggang sa hirap na siyang bumalik sa tono.

“Hindi mo alam kung saan papunta ang boses. Siguro dahil sa lipas na rin siya. Unlike before na kapag narinig mo siyang kumanta, you’ll be glued to your seat dahil egay na egay ang boses. Sarap pakinggan.

Sa mga album na lang siya masarap pakinggan pero waley na waley sa live,” sabi ng isang baklitang tinanggal na ang portion ni Jaya sa act niya,” sabi sa amin.

Nakakatawa naman ang obserbasyon ng baklitang ito. Natawa ako sa sinabi niyang itinataas ni Jaya ang pitch ng kanta niya pero in the end ay hindi na siya nakakabalik sa tono. Nai-imagine ko yung eksena how she does it. Matagal na actually na ganyan si Jaya kumanta pero deadma lang kami, respeto na lang kumbaga. Kaya lang lately ay palala nang palala. Ha! Ha! Ha!

Kaya siguro di na siya mabenta sa kantahan. Unlike Regine Velasquez or Pops Fernandez, na mabenta pa rin kahit di na gaanong kabataan. Kahit medyo bumaba ang boses ni Regine after niyang manganak, nandoon pa rin ang ganda ng boses niya. Kahit di naman gaanong magaling talaga si Pops as a singer, wala pa ring nakakatalo sa kanya as Concert Queen dahil marunong siyang magdala ng show.

Pero si Jaya ay walang-wawa na pag kumanta. Para na siyang komedyanteng ewan. Hindi niya nakuha ang karisma ng kanyang late mom na si legendary Ms. Elizabeth Ramsey. Icon ng Rock ‘N Roll kaya si Mama Beth. Bakit kaya nawala ang magandang boses ni Jaya? Parang wala naman siyang bisyo, di ba?

q q q

Naku, napanood ko ang interbyu ni kafatid na Karen Davila kay Chief Supt. Jovie Espenido sa Headstart at na-mention nga na ang susunod na target nila sa drug operations after the grueling death of Mayor Parojinog ay ang mayor daw ng Iloilo. Hindi man pinangalanan ni Espenido si Mayor Jed Mabilog pero obvious na siya ang tinutukoy nito.

Siyempre, nanayo ang balahibo ko dahil ang mayor namin sa Iloilo City ay matagal nang ini-implicate ni PDutz sa kaniyang narco-list.

Kaya recently ay marami akong nababasang posts mula sa supporters ni Mayor Mabilog na malinis na ang Iloilo sa drugs. Hindi man 100% pero malaki na ang development. Hinigpitan daw ni Mayor Mabilog ang batas sa pagsugpo sa paglipana ng droga sa aming probinsiya.

Natural, Mayor Jed Mabilog fears for his life too, alam niya kasing iba ang takbo ng utak ni PDutz – pag napag-initan ka may paglalagyan ka talaga. Kaya nga ingat na ingat nga ang lahat, di ba? Walang masyadong kumakalabang pulitiko sa kanya dahil pag nakanti mo siya gagawa at gagawa siya ng paraan para sirain ka or makulong ka.

Hay naku, it’s hard to live in the Philippines kapag ganito ang sistema. Kaya lang, wala pa naman tayong sapat na salapi para layasan ang ating bansang sinilangan. Who says we’re safe now in this country? Ah meron pala – the 16 million pro-Duterte lang.

q q q

Hey, ngayong 5 p.m. ang start ng “Awit Para Sa Marawi” concert produced by our dear friend Joel Cruz of Aficionado sa AFP Theater na sasalihan ng mahuhusay nating singers like The Singing Soldiers lead by Mel Sorillano, Ms. Token Lizares, Ms. Malu Barry, Hugot King Kiel Alo, Jonathan Badon, Boobsie Wonderland, among others.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Proceeds of the show will be given to the families of our fallen and wounded soldiers sa Marawi City. Balita namin nakalikom si kafatid na Joel ng more than P4.5 million in pledges.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending