KAMAKAILAN ay naglatag ang Department of Transportation ng isang plano para subukang lagyan ng bahid ng kontrol ng local government ang trapiko sa Metro Manila.
Isa sa importanteng bahagi ng planong ito ang pag-atas sa mga LGUs ng responsibilidad sa pag-ayos ng daloy ng trapiko sa mga lugar na sakop nila.
Kabilang na rito ang pagtukoy ng ruta ng mga jeep at bus upang maging mas efficient ang daloy ng mga sasakyan.
Kasama rin dito ang pagpapatupad ng traffic rules sa illegal parking, one way at obstruction.
Ginawa ito ng DOTr dahil mas kilala nga naman ng mga LGUs ang teritoryo nila kaysa sa MMDA at LTFRB.
Subalit laking gulat natin nang pumalag ang mga alkalde at konseho sa Kalakhang Maynila.
Ayaw nila ang responsibilidad at gusto nila ang MMDA pa rin ang gagawa ng lahat ng ito. Bakit ayaw ng mga mayor at konseho? Eh meron naman silang budget para sa traffic enforcement. Yung ilang siyudad nga ay sobrang laki ng pera para sa traffic enforcement.
Dahil ba yung mga jeepney driver ay hindi nila kayang manduhan? Dahil ba ang mga obstrucion sa kalye ay karamihan bata nila ang may gawa? Dahil ba yung parking sa kalye ay tabo ng mga alagad ni mayor sa city hall?
Isa sa pinakamalaking dahilan ng trapik sa Metro Manila ay ang masikip na lansangan dahil sa mga illegal parking at obstructions na ito.
At sino pa ang aasahan nating umayos ng lugar natin kundi yung Mayor at konseho natin?
Para sa comments and suggestions sumulat sa [email protected] o sa [email protected].
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.