Christian Bables pumayag mag-macho dancer sa gay bar | Bandera

Christian Bables pumayag mag-macho dancer sa gay bar

Ervin Santiago - August 11, 2017 - 12:25 AM

CHRISTIAN BABLES

TAMPOK sa kanyang unang pagganap sa Maalaala Mo Kaya ang 40th Gawad Urian Best Supporting Actor na si Christian Bables bilang isang macho dancer na hindi tanggap ang kabuuan ng kanyang pagkatao ngayong Sabado ng gabi.

Namulat si Ben (Christian) sa isang buhay na magulo at puno ng panghuhusga dala narin ng mundong ginagalawan ng kanyang inang si Helen Vela (Gloria Diaz) at kapatid na si Princess Punzalan (Ritz Azul).

Dahil nasa kanila ang mga mata ng publiko, hindi naiwasan makatanggap siya ng kaliwa’t kanang pangungutya tungkol sa kanyang pisikal na itsura lalo na sa pagiging anak niya sa labas na nagsanhi ng pagkawala ng kanyang bilib sa sarili.

Gayunpaman, naging sandigan ni Ben ang kanyang pamilya sa lahat ng kanyang mga pangarap at pagsubok sa buhay.

Kaya naman tuluyang gumuho ang buhay ni Ben nang namatay ang kanyang ina. Sa labis na kalungkutan, tinalikuran niya ang kanyang mga kapatid. Sa kanyang pagpupumilit mamuhay mag-isa, napadpad naman siya sa pagtratrabaho sa isang gay bar bilang isang macho dancer.

Sa panibagong landas na kanyang kinahantungan, mahanap kaya niya ang pagtanggap at atensyon na kanyang inaasam? Magkaayos pa kaya sila ng kanyang mga kapatid?

Makakasama ni Christian sa MMK episode na ito sina Ingrid dela Paz, Micah Javier, Alex Castro, Angelo Ilagan, JB Agustin, Kyline Alcantara, Nathaniel Britt at Toby Alejar. Ang episode na ito ay sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Shugo Praico.

Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou Santos. Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending