Coco may 'unli' pangaral at disiplina para sa mga bagets ng 'Probinsyano' | Bandera

Coco may ‘unli’ pangaral at disiplina para sa mga bagets ng ‘Probinsyano’

Ervin Santiago - August 08, 2017 - 12:01 AM

 

BUSOG sa pangaral ang mga anak-anakan ni Coco Martin sa nangunguna pa ring serye sa telebisyon, ang FPJ’s Ang Probinsyano na pumasok na nga sa ika-100 linggo nito sa Primetime Bida.

Nagbigay ng thanksgiving presscon ang Dreamscape Entertainment para sa action serye ni Coco kamakailan at dito nga naikuwento ng award-winning actor kung paano niya ginagabayan at dinidisiplina ang mga bata sa cast ng Ang Probinsyano, kabilang na sina McNeal “Awra’ Briguela (Makmak), James Sagarino (Paquito), Rhian Pineda (Dang) at Shantel Ngujo (Ligaya).

Ayon kay Coco, sa murang edad ng mga ito, kailangan pa talaga silang gabayan dahil hindi biro ang pinasok nilang trabaho, “May times na lalo na po kapag for airing na ang eksena na kailangan namin na i-shoot, tapos nagkukulitan sila, naglalaro, hindi rin naman maiwasan dahil mga bata, pinagsasabihan namin tumatahimik naman sila.”

“Hirit pa ni Coco, “Nakakatuwa nga kasi ngayon nakakatulong na sila at unti-unti nakikilala na sila sa showbiz pero ginagabayan pa rin namin sila dahil mga bata pa sila. Gaya po noong nawawala na ang character nila sa mga bihis nila, pinagsabihan ko sila noon at nakikinig naman.”

Nagpasalamat naman isa-isa ang mga bagets sa kanilang kuya Coco dahil bukod sa pagsali sa kanila sa Probinsyano, ay ito rin ang nagpapaaral ngayon sa kanila.

Sabi nga ni Awra, “Super happy kaming lahat siyempre. Tsaka para kay Kuya Coco, lahat pantay-pantay na, ‘aalagaan ko kayo, di ko kayo pababayaan.’ Iyon ang nararamdaman ko, kung gaano kami kamahal ni kuya Coco.”

q q q

Pinanood ng mas maraming Pilipino sa buong bansa ang mga hatid na aral at makabuluhang balita ng ABS-CBN noong Hulyo dahil bukod sa entertainment programs, tinutukan din ang news programs nito gaya ng TV Patrol at ang special coverage nito ng SONA.

Base sa datos ng Kantar Media, nagkamit ang Kapamilya network ng average audience share na 46% sa pinagsamang rural at urban homes. Nakapagtala ng average national TV rating na 16.6% ang “Pangakong Pagbabago: State of the Nation Address 2017” ng ABS.

Nananatili namang nangungunang news program sa bansa ang TV Patrol (30.8%) sa pagbibigay nito ng mga maiinit na balita at impormasyon gabi-gabi.

Samantala, number one pa rin sa buong bansa ang FPJ’s Ang Probinsyano (37.3%) sa listahan ng mga pinakapinanood na mga programa nitong Hulyo sa pagbubukas ng bago nitong yugto kung saan ipinakita ang pagpasok ni Cardo Dalisay (Coco Martin) bilang parte ng Special Action Force (SAF). Walang humpay din ang naging pagtutok sa La Luna Sangre (34.8%) noong nakaraang buwan matapos ang pinag-usapang transformation ni Malia (Kathryn Bernardo) bilang Miyo at ang paglalapit ng landas nila ni Tristan (Daniel Padilla).

Tinutukan din sa telebisyon at maging sa online world ang matinding showdown sa The Voice Teens (34.2%), kung saan itinanghal na grand champion si Jona Soquite ng Team Sarah. Sumunod ang madamdaming mga kuwento sa Maalaala Mo Kaya (hosted by Charo Santos) with 31.1%.

Napukaw naman ang puso ng mga manonood sa mga aral na hatid ng Wansapanataym matapos nitong magkamit ng 28.3% with its latest season titled Amazing Ving na pinagbibidahan ni Awra Briguela na gumaganap bilang superhero.

Katatawanan naman ang hatid ng weekend comedy programs na Home Sweetie Home (23.3%), na sumasalamin sa masaya at matibay na samahan ng pamilyang Pilipino, at Goin Bulilit (20.7), na nagpapakita naman ng talento ng mga kabataan sa comedy.

Hindi rin magpapahuli sa listahan ang Wildflower (23.9%) na patuloy na pinag-uusapan maging sa social media dahil sa mga kapanapanabik na mga eksena nito tuwing hapon.

Samantala, pasok din sa top 20 programs nationwide ang It’s Showtime, (18%), Ipaglaban Mo (17.8%), at ang seryeng A Love To Last nina Bea Alonzo at Ian Veneracion (17.5%).

Namayagpag din sa lahat ng timeblocks ang ABS-CBN noong Hulyo, partikular na sa primetime (6 p.m.-12 midnight), kung saan nakapagtala ito ng average national audience share na 51% habang 32% ang sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang primetime block ang pinakaimportanteng parte ng araw kung kailan nanonood ng TV ang karamihan sa mga Pinoy, dito rin inilalagay ng advertisers ang malaking parte ng kanilang investment upang makaabot sa mas maraming consumers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending