JV pinayagan mag-Japan | Bandera

JV pinayagan mag-Japan

Leifbilly Begas - August 07, 2017 - 02:50 PM
Pinayagan ng Sandiganbayan Sixth Division si Sen. Joseph Victor Ejercito na bumiyahe sa Tokyo, Japan.     Si Ejercito ay pinayagang bumiyahe mula Agosto 23 hanggang 26 para sa isang forum kaugnay ng global health.     Inimbitahan umano siya ng Japan Parliamentary League for the World Health Organization para sa ikatlong pagpupulong ng Asia Pacific Parliamentarian Forum on Global Health.     Siya ay binigyan na rin ng travel authority ni Senate President Aquilino Pimentel III.     Kailangang magpaalam ni Ejercito sa korte bago makalabas sa bansa dahil sa technical malversation case na isinampa sa kanya kaugnay ng pagbili ng P2.1 milyong halaga ng mga baril gamit ang Calamity Fund ng siyudad noong 2008. Siya ay mayor ng San Juan noon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending